Sukot: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
AnakngAraw (usapan | ambag)
dagdag
Linya 1:
Ang '''Sucot''', kilala rin bilang '''Pista ng mga Tabernakulo''' (Ingles: ''Sukkot'', ''Feast of Tabernacles''), ay isang [[kapistahan]]g [[mga Hudyo|Hudyo]]. Sa kaganapang ito, ipinagdiriwang ng mga tao ang pagtitipon ng mga ani. Inaalala rin nila ang panahon sa nakalipas kung kailan gumawa ang mga Hudyo ng maliliit na mga [[silungan]] noong habang nasa ilang pa sila at walang mga [[tahanan]]. Ayon kay [[Jose Abriol]], nangangahulugan ang salitang ''Sucot'' bilang "mga kanlungan".<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|''Sucot'', mga kanlungan}}, pahina 57.</ref>
 
== Bilang lugar at tao ==
Lumilitaw rin ang ''Sucot'' bilang ilang mga pook at pangkat ng mga tao sa [[Bibliyang Hebreo]] o [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliyang Kristiyano]]:
 
* Sa Ehipto, isa itong pook ng pagpasok sa kadiliman. Isa itong lugar kung saan nagpunta ang mga Anak na Lalaki ng Israel upang bawiin ang mga buto ni Jose mula sa kanyang libingang nasa Karnak (''Exodo 12:37'').
 
* Sa silangan ng Ilog ng Jordan, isa itong lungsod na ikinakabit sa [[Deir Alla]] o [Tell Deir Άlla]], isang mataas na bunton, isang masa ng mga guho, sa kapatagang nasa hilagan ng [[Jaboc]], at mga isang milya mula rito. (Josue 13:27). Dito nagtayo ng bahay si [[Jacob]], mula sa kanyang pagbabalik sa [[Padan-aram]] pagkalipas ng pakikipag-usap niya kay [[Esau]]. Bukod sa bahay, gumawa rin ng mga ''sucot'' para sa kanyang mga kawan ng hayop (''Henesis 32:17, 30''; ''Henesis 33:17'').
 
* Sa [[Aklat ng mga Hukom]], tumanggi ang prinsesa ng mga Sucot na magbigay ng tulong kay [[Gideon]] at sa kanyan mga tauhan, noong sundan nila ang isang pangkat ng mga [[Madianita]] pagkatapos ng dakilang pagtatagumpay sa Gilboa. Makaraan nito at sa kanyang pagbabalik, dinalaw ni Gideon ang mga pinuno ng lungsod na may dalang malupit na kaparusahan: "Kinuha niya ang matatanda ng lungsod, at ang mga tinik at mga [[dawag]] ng ilang at sa pamamagitan ng mga ito, ay pinahirapan ang mga taga-Sucot" (''Mga Hukom 8:13-16'').<ref name=JETE/> Ikinakabit ito sa pook na Deir Άlla.
 
* Sa [[Aklat ng Mga Hari]], isinasaad sa ''Mga Hari 7:46'' na sa Sucot itinayo ang mga para sa mga gawaing may metal na para sa [[templo]].
 
==Mga sanggunian==