Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Poseidon"

62 byte added ,  10 year ago
dagdag
(dagdag linis)
(dagdag)
[[File:Poseidon sculpture Copenhagen 2005.jpg|thumb|right|250px|Si Poseidon, na may hawak na piruya.]]
 
Sa [[mitolohiyang Griyego]], si '''Poseidon''' ang isa sa tatlong naging anak na lalaki nina [[Kronos]] at [[Rhea]]. Siya ang panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga [[alon]], [[bagyo]], at maging ng mga [[lindol]]. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang [[piruya]] o [[tridente]], na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Sa [[mitolohiyang Romano]], kilala siya bilang si '''Neptuno'''.<ref name=Gardner>{{cite-Gardner|''Poseidon'', ''Neptune''}}, pahina 107.</ref><ref name=NBK>{{cite-NBK|''Poseidon, Neptune''}}, pahina 356-357.</ref>, at bilang si '''''Nethuns''''' sa [[mitolohiyang Etruskano]].
 
Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuang [[karong pandigma]] na nakapagpapahinahon at nakapagpapatag ng pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan. Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang dumalaw sa [[Bundok ng Olimpus]]. Batay sa mitolohikong salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang nagbigay ng [[kabayo]] sa [[tao]].<ref name=NBK/>
166,389

edits