Rebolusyong EDSA ng 1986: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 26:
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
 
Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano sa [[Manila International Airport|Paliparang Pandaigdig ng Maynila]] (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).<ref>{{Citation |editor-surname=Javate-De Dios |editor-first=Aurora et. Al |title=Dictatorship and Revolution: Roots of People's Power |publisher=Conspectus Foundation Incorporated |publication-date=1988 |isbn=991-91080-1-8 |page=132}}.</ref> Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang ''[[civil disobedience]]''. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na [[Lupus erythematosus|Lupus]].<ref>{{cite book |last=Schock |first=Kurt |authorlink= |coauthors= |editor= |others= |title=Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies |origdate= |origyear= |origmonth= |url= |format= |accessdate= |accessyear= |accessmonth= |edition= |series= |date= |year=2005 |month= |publisher= University of Minnesota Press|location= |language= |isbn=0816641927 |oclc= |doi= |id= |pages=56 |chapter=People Power Unleashed: South Africa and the Philippines |chapterurl= |quote= }}</ref>
 
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado [[Enrique Fernando]], na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.