Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Kasalanan"

dagdag
(iba pang gamit)
(dagdag)
{{otheruses|Ligaw}}
 
Ang '''kasalanan''', mula sa salitang-ugat na '''sala''', ay ang pagsuway sa utos o batas ng Diyos.,<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Sin''}}</ref><ref name=Biblia6>{{cite-Biblia6}}, ''Dictionary/Concordance'', pahina B11.</ref> bagaman maaari ring pagsuway sa atas ng ibang tao o sa lipunan. Katumbas ito ng '''pagkakamali''' o '''[[kamalian]]''', '''pagkukulang''', '''paglabag''', '''transgresyon''', '''pagkaligaw''' mula sa tamang landas o daan, '''paggawa ng masama''' o '''sumama''' (naging masama).<ref name=Gaboy/> Kaugnay ng pananampalataya, tulad ng sa Kristiyanismo at Hudaismo, ito ang nagsasanhi ng pagkahiwalay o pagbali sa relasyon o pakikipag-ugnayan sa Diyos. Dating hindi kabahagi ng orihinal na kalikasan ng tao ang kasalanan (ang '''kasalanang orihinal''') sapagkat ang [[unang mga tao]], katulad nina [[Adan at Eba]], ay may kakayahang pumili kung magtitiwala at susunod ba sila o hindi sa kautusan ng Diyos. Dahil sa kasalanan, nagkaroon ang mga tao ng katangiang pagkakaroon ng ''likas na kasalanan'' kapag ipinanganak sa mundo, isang bagay na nakaaalipin sa kanila, at nagbibigay ng daan patungo sa iba pang mga uri ng paglabag sa [[batas]]. Sa pananampalataya pa rin, ipinadala ng Diyos si [[Hesus]] upang magapi ang kapangyarihan ng kasalanan at tanggalin din ang parusa para rito. Sa pamamagitan ng [[pagkukumpisal]] ng mga kasalanan, napapatawad ng Diyos ang mga tao.<ref name=Biblia6/>
 
==Sanggunian==
166,389

edits