Opisyal na wika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m category
No edit summary
Linya 3:
Ang mga kinikilalang [[wikang minoritaryo]] ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal. Halimbawa, ang [[Wikang Ladino]] at [[Wikang Sardo|Sardo]] (Sardinian) sa [[Italia]] at ang [[Wikang Mirandes]]sa [[Portugal]] ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryo lamang, hindi mga wikang opisyal.
 
Kalahati ng mga bansa sa mundo ay may mga wikang opisyal. Ang ilan ay may iisang wikang opisyal lamang, tulad sa [[Albanya]], [[Pransya]], o [[Lithuania|Lituanya]], kahit na lahat ng mga bansang ito ay may mga katutubong wika ring ginagamit. Ang ilan ay may higit sa isang wikang opisyal, tulad sa [[Afganistan]], [[Belarus]], [[Belhika]], [[Bolivia]], [[Canada]], [[Eritrea]], [[Finland|Finlandia]], [[India]], [[Paraguay]], [[Timog Afrika]], at [[Swisa|Suisa]].
 
Sa ilang mga bansa, tulad ng [[Irak]], [[Italya|Italia]], [[Russia|Rusya]] at [[Espanya]], mayroong isang wikang opisyal para sa buong bansa, subalit may mga ko-opisyal na wika rin sa mga importanteng rehiyon. Ang ilang mga bansa, tulad ng [[Australia]], [[Alemanya]], [[Luxemburgo]], [[Sweden]], [[Tuvalu]], at [[Estados Unidos]] ay wala ni isang wikang opisyal.
 
Ang mga wikang opisyal ng ilang mga dating kolonya, lalo na [[Wikang Pranses|Pranses]] o [[Wikang Ingles|Ingles]], ay hindi mga pambansang wika o ang wikang may pinakamaraming gumagamit sa mga dating kolonyang iyon.