Kasunduang Schengen: Pagkakaiba sa mga binago

kawing
AnakngAraw (usapan | ambag)
AnakngAraw (usapan | ambag)
kawing
Linya 7:
Ang '''Kasunduang Schengen''' ng 1985 ay isang kasunduan ng mga estadong [[Europa|Europeo]] na sumasang-ayon para sa pagwawalang-bisa ng mga sistematikong kontrol ng mga hangganan sa pagitan ng mga bansang lumalahok. May kasama rin itong mga tadhana sa isang pangkaraniwang [[patakarang pang-imigrasyon|patakaran sa pansamantalang pagpasok ng mga tao]] (kasama ang bisang Schengen), ang harmonisasyon ng mga panlabas na kontrol sa mga [[hangganan]], at ang kooperasyong pampulisya sa ibayong hangganan.
 
30 estado – kasama ang mayoridad ng mga estadong kasapi sa [[Unyong Europeo]] at tatlong estadong hindi kasapi sa UE: and [[Iceland]], [[Norway]] at [[Switzerland]] – ay naglagda ng kasunduan at 15 ang nagpatibay ng ito sa kasalukuyan. Ang [[Republika ng Irlanda]] at ang [[Nagkakaisang Kaharian]] ay lumalahok lamang sa sa mga tadhanang pang-kooperasyong pampulisya at hindi sa mga tadhana tungkol sa pangkaraniwang kontrol ng mga hangganan at sa mga bisa. Ang mga pang-hangganang harang at pagsisiyasat ay tinanggal na rin sa pagitan ng mga estadong nasa kalawakang Schengen<ref>[[Kalawakang Schengen]] – ang karaniwang pangalan para sa mga estado kung saan pinagtitibayan na nila ang kasunduan.</ref> at ang isang pangkaraniwang 'bisang Schengen' ay nagbibigay sa mga turista o bisita ng pahintulot upang pumunta sa kalawakan.
 
Orihinal na inilagda ang kasunduan noong [[Hunyo 14]], [[1985]] ng limang estadong Europeo (ang [[Alemanya]], [[Belhika]], [[Luxembourg]], ang [[Netherlands]] at [[Pransya]]). Inilagda ang kasunduan habang nakasakay sa barkong ''Princesse Marie-Astrid'' sa [[Ilog Moselle]], malapit sa [[Schengen, Luxembourg|Schengen]], isang maliit na bayan sa Luxembourg na sa hangganan sa pagitan ng Pransya at Alemanya.
166,389

edits