Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Defense of the Ancients"

m
paglilinis ng mga kawing
(napalawak na!)
m (paglilinis ng mga kawing)
|license =
}}
Ang '''Defense of the Ancients''' (higit na kilala sa tawag na '''DotA''') ay isang kakaibang sitwasyon sa larong ''Warcraft III'', batay sa mapang "Aeon of Strife" ng ''[[StarCraft]]''. Kailangang makamit ng bawat pangkat ang wasakin ang ''Ancient'' ng kalaban, isang istrakturang mahigpit na binabantayan sa magkabilang sulok ng mapa. Gumagamit ng mga makapangyarihang mga tauhan ang mga manlalaro (kilala bilang mga bayani), kasama ng mga kakamping bayan at ''creeps'' na kontrolado ng kompyuter. Gaya ng ibang ''[[role-playing game]]s'', pinalalakas ng mga manlalaro ang kani-kanilang mga bayani at gumagamit ng ginto sa pagbili ng mga kagamitan sa gitna ng pakikidigma.<ref name=gotfragpg2>{{cite web|author=Tok, Kevin|date=[[2006-01-25]]|url=http://www.gotfrag.com/war/story/31052/?spage=3|title=Defense of the Ancients 101, Page 2|publisher=[[GotFrag]]|accessdate=2007-08-04}}</ref>
 
Nilikha ang sitwasyon gamit ang [[Warcraft III World Editor|"World Editor"]] ng ''[[Warcraft III: Reign of Chaos]]'', at binago sa paglabas ng ''[[Warcraft III: The Frozen Throne]]''. Marami nang nabago mula sa naunang laro; pinakasikat sa mga iyon ang DotA Allstars, na patuloy na binabago ng mga may-akda habang ito'y pinapalawak.
 
Mula ng ipinalabas iyon, naging sikat ang Allstars sa ilang mga pandaigdigang torneo, kabilang ang BlizzCon ng Blizzard Entertainment at ang World Cyber Games ng Asya, kaakibat ng mga ligang Cyberathlete Amateur at CyberEvolution; idineklara ng [[Gamasutra]] na maaring ang DotA ang pinakasikat na "libre, di-suportadong laro sa mundo".<ref name="gamasutra">{{cite web|author=Walbridge, Michael|date=2008-06-12|url=http://www.gamasutra.com/php-bin/news_index.php?story=18863|title= Analysis: Defense of the Ancients - An Underground Revolution|publisher= [[Gamasutra]]|accessdate=2008-06-23}}</ref> Na-impluwensyahan na ng mapa ang iba pang mga mapa at laro, kabilang na ang stratehikal na larong ''Demigod''.
 
==Paglalaro==
Nagtutuos sa Defense of the Ancients ang dalawang pangkat ng mga manlalaro laban sa isa't isa: ang ''Sentinel'' at ang ''Scourge''. Ang mga manlalarong nasa pangkat Sentinel ay nasa timog-kanlurang sulok ng mapa, at ang mga nasa pangkat Scourge ay nasa hilagang-silangang sulok. Ang bawat kampo'y gwardyado ng mga tore at mga pangkat ng mga kawal na nagbabantay sa mga pangunahing daanang papunta sa kampo. Sa gitna ng bawat kampo'y ang "Ancient", isang gusaling dapat mawasak upang manalo sa laro.<ref name=dotafaq>{{cite web|url=http://www.dota-allstars.com/faqs.php|title=Frequently Asked Questions|publisher=Dota-Allstars.com|accessdate=2007-08-04}}</ref><ref name=techtreepg1>{{cite web|author=Lodaya, Punit|date=2006-02-09|url=http://www.techtree.com/techtree/jsp/article.jsp?article_id=71257&cat_id=541&page=1|title=DotA: AllStars Part 1|publisher=TechTree.com|accessdate=2007-08-04}}</ref>
 
Ang bawat tao sa laro ay may kani-kaniyang Bayani, isang makapangyarihang tauhan na may natatanging katangian. Sa Allstars, maaring pumili ang mga manlalaro sa bawat panig ng isa sa siyamnapu't-tatlong mga bayani, na may iba't-ibang kakayahan at mga kalamangang taktikal sa ibang mga bayani.<ref>{{cite web| title = Hero Database| publisher=Dota-Allstars.com| url =http://www.dota-allstars.com/heroes.php| accessdate = 2007-02-19}}</ref> Ang sitwasyon ay para sa buong pangkat; mahirap sa isang manlalaro na sarilihin ang pagtatagumpay.<ref>{{cite web|url=http://www.gotfrag.com/dota/story/40388/?spage=1|title=Why Defense of the Ancients? (Pg. 1)|author=Nair, Neha|date=2007-10-30|accessdate=2007-11-01|publisher=[[GotFrag]]}}</ref> Ngunit, ang ibang mga bayaning may sapat na panahon ay maaring magbaliktad sa sitwasyon nang mag-isa, habang dinidigma ang mga kasalungat na bayani. Maaring magsama-sama sa Defense of the Ancients ang sampung manlalaro (lima sa lima ang laban) at dagdag na dalawang puwesto sa mga manonood, kadalasang may pantay na bilang ng mga manlalaro sa magkabilang panig.
==Talasanggunian==
<references/>
174

edits