Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Isabel Allende"

bantas
(bago)
 
(bantas)
}}
 
Si '''Isabel Allende Llona''', (ipinanganak sa [[Lima]], [[Peru]]; 2 Agosto 1942), ay isang [[Tsilena]]-[[Estados Unidos|Amerikanang]] [[manunulat]]. Isa siya sa unang mga matatagumpay na mga kababaihang manunulat sa Amerikang Latina. Minsang naglalaman ang kanyang mga akda ng mga aspeto ng tradisyong realismong masalamangka.<ref name="Top">''The list of 101 top leaders of the Latino community in the U.S; Cover story.'' Allen, Kerri; Miller, Corina; Socorro, Dalia; Stewart, Graeme. ''Latino Leaders'', pahina 24(27), bolyum 8, bilang 4, ISSN: 1529-3998. Hunyo 1, 2007.</ref> Malawakang kilala siya para sa kanyang kontribusyon sa panitikang Latino-Amerikano, katulad ng mga nobelang ''[[The House of the Spirits]]'' ('']][[La casa de los espíritus]]'' o "Ang Bahay ng mga Espiritu" (1982) at ''[[City of the Beasts]]'' (''[[La ciudad de las bestias]]'' o "Ang Lungsod ng mga Halimaw") (2002), na naging mga matatagumpay. Nagsulat siya ng mga nobelang nakabatay ang bahagi sa kanyang sariling mga karanasan, kalimitang nakatuon sa mga karanasan ng mga kababaihan, na nagsasanib ng mito at realismo. Nagsagawa siya ng mga pagtalakay o lektura at nakagawa ng maraming mga paglalakbay kaugnay ng kanyang mga aklat. Nagturo rin siya ng panitikan sa sampung mga dalubhasaan sa Estados Unidos.<ref name="Top"/> Naging mamamayan siya ng Estados Unidos noong 2003, at kasalukuyang naninirahan sa [[Kaliporniya]] na kasama ang kanyang asawa. Maihahambing ang kanyang mga sulatin sa mga akda nina [[Gail Anderson-Dargatz]], [[Louise Erdrich]] at [[Laura Esquivel]]. May pinagmulang lahing [[Mga Basque|Basque]] si Allende.<ref>http://www.metroactive.com/papers/metro/06.25.98/allende-9825.html</ref>
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits