Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Defense of the Ancients"

→‎Paglalaro: dagdag na pagsasalin
m (Kinansela ang pagbabagong 441326 ni 119.95.244.108 (Usapan), kasama ba iyon?)
(→‎Paglalaro: dagdag na pagsasalin)
 
Ang bawat tao sa laro ay may kani-kaniyang Bayani, isang makapangyarihang tauhan na may natatanging katangian. Sa Allstars, maaring pumili ang mga manlalaro sa bawat panig ng isa sa siyamnapu't-tatlong mga bayani, na may iba't-ibang kakayahan at mga kalamangang taktikal sa ibang mga bayani.<ref>{{cite web| title = Hero Database| publisher=Dota-Allstars.com| url =http://www.dota-allstars.com/heroes.php| accessdate = 2007-02-19}}</ref> Ang sitwasyon ay para sa buong pangkat; mahirap sa isang manlalaro na sarilihin ang pagtatagumpay.<ref>{{cite web|url=http://www.gotfrag.com/dota/story/40388/?spage=1|title=Why Defense of the Ancients? (Pg. 1)|author=Nair, Neha|date=2007-10-30|accessdate=2007-11-01|publisher=GotFrag}}</ref> Ngunit, ang ibang mga bayaning may sapat na panahon ay maaring magbaliktad sa sitwasyon nang mag-isa, habang dinidigma ang mga kasalungat na bayani. Maaring magsama-sama sa Defense of the Ancients ang sampung manlalaro (lima sa lima ang laban) at dagdag na dalawang puwesto sa mga manonood, kadalasang may pantay na bilang ng mga manlalaro sa magkabilang panig.
 
Dahil nakatuon ang paglalaro sa pagpapalakas sa mga bayani, hindi na kailangang maglaan ng panahon sa pag-iingat-yaman at sa pagpapatatag ng kampo, gaya ng ibang stratehikal na laro. Makakakuha ng karanasan ang manlalaro kapag siya'y nakapatay ng kalaban; kapag may sapat nang karanasan ang manlalaro, umaakyat ang kanyang antas. Tumitibay at lumalakas ang bayani sa pag-akyat ng antas, at maari nang malinang ng mga manlalaro ang kanilang mga kakayahan at kulam. Dagdag pa sa pagkuha ng karanasan, iniingatan din ng mga manlalaro ang kani-kanilang ginto. Pinalitan ang madalas na pag-iipon sa ''Warcraft III'' ng isang sistema sa pera na umiikot sa pakikibaka: bukod sa madalas na suweldo, kumikita ng ginto ang mga bayani sa pagpatay ng mga ''creeps'', tore, at mga kalabang bayani.<ref name=techtreepg2>{{cite web|author=Lodaya, Punit|date=2006-02-09|url=http://www.techtree.com/techtree/jsp/article.jsp?article_id=71257&cat_id=541&page=2|title=DotA: AllStars Part 2: What Do I Do?|publisher=TechTree.com|accessdate=2007-08-04}}</ref> Gamit ang ginto, bumibili ang mga manlalaro ng mga kagamitan sa pagpapalakas ng bayan at pagsasanay. May mga kagamitang maaring pagsama-samahin ayon sa itatakda ng mga ''recipe'' upang lumikha ng higit na makapangyarihang mga kagamitan. Mahalaga sa sitwasyon ang pagbili ng mga kagamitang naaayon sa bayani.<ref>{{Cite web| title = DotA-Allstars.com Items Database| url = http://www.dota-allstars.com/items.php|publisher=Dota-Allstars.com| accessdate = 2007-03-01 }}</ref>
 
==Talasanggunian==
<references/>
174

edits