Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Hinuhang atomiko"

m
→‎Makabagong hinuhang atomika: namespace change &/or gen. fixes
m (Hinuhang atomika nilipat sa Hinuhang atomiko: Hindi ginagamit ang pang-uring pambabae sa mga di-tao sa Filipino.)
m (→‎Makabagong hinuhang atomika: namespace change &/or gen. fixes)
Ang pangalawa ay [[batas ng tiyak na proporsyon]]. Unang pinatunayan ng kimikong Pranses na si [[Joseph Louis Proust]] noong 1799,[5]sinasabi ng batas na ito kapag ang isang kompuwesto ay bumalik sa kanyang mga pinagmulang elemento, ang mga bigat nito ay laging pareho sa proporsyon gaano man karami o anuman ang pinagmulan ng orihinal na sustansya. Nagsintensis si Proust ng [[carbonato ng tanso]] (copper carbonate) na gumamit ng iba’t-ibang paraan at kanyang nasumpungan na sa bawat kaso, ang mga ingredyente ay nagsasama ng may parehong proporsyon na parang ginagawa kapag giniba ito mula sa likas na carbonato ng tanso.
 
Pinag-aralan at pinalawak ni Dalton ang trabaho ni Proust na nagbunsad sa [[batas ng multipleng proprosyon]]: na nagsasaad na kapag ang dalawang elemento ay nakabubuo ng mahigit sa isang kompuwesto, ang ratio ng bigat ng ikalawang elemento na nakikipagsanib sa isang tiyak na bigat ng unang elemento ay ratio ng maliliit ng integer nito. Ang isang pares ng pagsasanib na pinaniniwalaang pinag-aralan ni Dalton ay ang [[[oksido nitriko]]] (nitric oxide) (NO) at [[oksiheno]] (oxygen) (O<su>2</sub>). Sa isang pagsasanib, nabubuo nito ang [[trioksido dinitroheno]] (dinitrogen trioxide) (N<sub>2</sub>O<sub>3</sub>). Subalit kapag inulit ang pagsasanib na ito na gumagamit ng dalawang beses na dami ng oksiheno (ang ratio na 1:2 – maliit na integer), nagbubunga ito ng dioksido nitroheno (nitrogen dioxide) (NO<sub>2</sub>).
 
4NO + O<sub>2</sub> → 2N<sub>2</sub>O<sub>3</sub>
Si Dalton ay naniniwala rin na ang hinuhang atomika ay makapagpapaliwanag kung bakit humihigop ang tubig ng iba’t-ibang gas na may iba’t-ibang proporsyon. Halimbawa, kanyang nasumpungan na mainam higupin ng tubig ang [[dioksido ng carbon]] (carbon dioxide) kaysa nitroheno. Huna-huna ni Dalton na ito ay dahil sa mga pagkakaiba sa bigat at kompleksidad ng mga kanya-kanyang partikula ng mga gas. Sa totoo, mas mabigat at malaki ang mga [[molekula]] ng dioksido ng carbon (CO<sub>2</sub>) kaysa mga molekula ng nitroheno (N<sub>2</sub>).
[[LarawanTalaksan:A New System of Chemical Philosophy fp.jpg|right|thumb|Ang iba’t-ibang atomo at molekula na isinalarawan sa A New System of Chemical Philosophy (1808) ni John Dalton.]]
 
Noong 1803, naglathala si Dalton ng una niyang listahan ng relatibong bigat atomiko ng mga ilang sustansya [6](kahit na hindi niya tinalakay sa publiko kung papaano niya nakuha ito hanggang 1808). Tinantya ni Dalton ang mga bigat atomiko ayon sa ratio ng bigat ng kanilang pagsasanib kung saan ang [[hidroheno]] ang ugat na yunit. Subalit, hindi inisip ni Dalton na ang ilang elementong atomo ay umiiral rin bilang molekula – halimbawa ang dalisay ng oksiheno ay umiinog bilang O<sub>2</sub>. Mali ang paniwala niya na ang pinakasimpleng kompuwesto sa pagitan ng dalawang elemento ay laging isang atomo isa’t-isa (inisip niya na ang tubig ay HO, hindi H<sub>2</sub>O). Kasama ang kapayakan ng kanyang aparato, maraming mali sa kanyang talaan. Halimbawa, paniwala niya na ang atomo ng oksiheno ay 5.5 beses na mabigat kaysa atomo ng hidroheno dahil sinukat niya na ang tubig ay may 5.5 gramo ng atomong oksiheno sa bawat 1 gramo ng atomong hidroheno. Dahil dito paniwala niya na ang pormula ng tubig ay HO (alam natin ngayon ang atomong oksiheno ay 16 beses na mas mabigat kaysa atomong hidroheno.)
Ang mali sa hinuha ni Dalton ay itinama noong 1811 ni [[Amedeo Avogadro]]. Nagpanukala si Avogadro na ang dalawang gas na magkatumbas sa volume sa magkaparehong temperatura at presyon ay naglalaman ng magkatumbas ng bilang ng mga molekula (sa madaling salita, ang bigat ng mga partikula ng isang gas ay walang apekto sa volume nito). [7] Ang batas Avogadro ay nagpakita sa kanya upang mahulaan ang diatomikong likas ng maraming gas sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga volume kapag sila’y nakikipagsanib. Halimbawa, dahil ang dalawang litro ng hidroheno ay makikipagsanib lamang sa isang litro ng oksiheno upang makagawa ng dalawang litro ng singaw tubig (sa konstanteng presyon at temperatura), nangangahulugang ang isang molekula ng oksiheno ay nahahati sa dalawa upang makabuo ng dalawang partikula ng tubig. Dahil dito, nakapagbigay ng mas tamang estimasyon si Avogadro sa atomikong bigat ng oksiheno at maraming pang elemento. Ito rin ang nagpatatag sa pagkakaiba sa pagitan ng molekula at atomo.
 
Noong 1827, namatyagan ng Britanyong botanista na si [[Robert Brown]] na ang mga partikulang alikabok na nakalutang sa tubig ay walang tigil na naaalog nang walang kadahilanan. Noong 1905, huna ni [[Albert Einstein]] na ang [[kilos Brownian]] na ito ay dulot ng molekula ng tubig na walang tigil na bumabangga sa mga butil sa palibot nito. Kanyang dinebelop ang isang hipotetiko at matematikong modelo upang ipaliwanag ito.[8] Napatunayan ang modelong ito sa pamamagitan ng eksperimento noong 1911 &nbsp;ng Pranses ng pisikong si [[Jean Perrin]] na nagbigay ang dagdag na pagpapatoo sa hinuhang partikula (at pagpapalawig ng hinuhang atomika).
 
===Pagkakatuklas ng mga subatomikong partikula ===
 
[[LarawanTalaksan:JJ Thomson exp2.jpg|right|300px|thumb|Ang [[cathode ray tube]] ni Thomson na kung saan namatyagan niya ang paglihis ng [[cathode rays]] ng isang larangang elektrikal.]]
 
 
[[LarawanTalaksan:Gold foil exp conclusions.jpg|right|200px|thumb|Ang eksperimento sa pohas na ginto<br> ''Itaas:'' Inaasahang resulta: ang mga partikulang alfa ay lalagos sa plum pudding model ng atomo nang halos walang paglihis.<br>
''Itaas:'' Inaasahang resulta: ang mga partikulang alfa ay lalagos sa plum pudding model ng atomo nang halos walang paglihis.<br>
''Ibaba:'' Namatyagang resulta: kaunti ng mga partikula ang lumihis na nagpapakita ng isang maliit at siksik ng positibong karga]]
 
Ang modelong plum pudding ni Thomson ay pinabulaanan noong 1909 &nbsp;ng isa niyang estudyante, si [[Ernest Rutherford]], na nakatuklas sa kalakhan ng bigat at positibong karga ng isang atomo ay nakasiksik sa isang napakaliit na bahagi sa kabuuang laki nito sa ubod nito.
 
Sa eksperimento sa pohas na ginto, pinaputukan ng mga partikulang alfa nina [[Hans Geiger]] at [[Ernest Marsden]] ang isang pohas na ginto (na tumama sa isang fluorescent screen na nakapalibot sa pohas). [11] Dahil sa napakaliit ng bigat ng mga elektron, ang mataas ng momento ng mga partikulang alfa at kalat na distribusyon ng kargang positobo ng modelong plum pudding, itinaya ng mga sumubok na ang lahat ng partikulang alfa ay lulusot ng halos makitang paglihis o paghigop nito. Nagulat sila nang may maliit na bahagi ng mga partikulang alfa ang nakaranas ng malaking paglihis. Ito ang nagpakita kay Rutherford upang magmungkahi ng planetaryong modelo ng atomo na kung saan ang mga elektron ay lumiligid sa isang siksik at mabigat na nukleyo –katulad ng pag-ikot ng mga tala sa Araw. [12]
May kakulangan ang planetaryong modelo ng atomo. Una, ayon sa pormula ni Larmor sa [[klasikong elektromagnetismo]], ang matuling kargadong elektron ay nagpapalabas ng mga [[ondang elektromagnetiko]]; ang isang lumiligid na kargadong elektron ay unti-unting mawawalan ng lakas (enerhiya) sa pagbulusok nito sa nukleyo kung saan dagling sasalpok ito. Ang isa pang balagha na hindi maipaliwanag ng modelong ito ay kung bakit ang mga sabik na atomo ay nagpapalabas lamang ng liwanag sa loob ng hiwalay at malinaw na espektra.
[[LarawanTalaksan:Bohr atom model English.svg|thumb|right|Ang modelong Bohr ng atomo]]
 
Napakalaking pagbabago sa pisika ang dulot ng hinuhang kwantika noong bungad ng siglo 20 nang magpostula sina [[Max Planck]] at Albert Einstein na ang liwanag ay inilalabas o hinihigop sa tiyak na dami na tinatawag ng [[kwanta]] (isahan, kwantum). Noong 1913, isinama ni [[Niels Bohr]] ang ideyang ito sa kanyang modelong Bohr ng atomo na kung saan ang mga elektron ay makaliligid lamang sa nukleyo sa isang partikular ng pabilog na pagligid na may tiyak ng [[momentong angular]] at [[enerhiya]] at kung saan ang layo nito sa nukleyo ay proporsyonal sa kanya-kanyang enerhiya [16] Sa modelong ito hindi unti-unting bubulusok ang mga elektron sa nukleyo dahil hindi sila tuluyang mawawalan ng enerhiya; sa halip kisapmatang makaluluksong kwantiko lamang sila sa pagitan ng tiyak ng nibel ng enerhiya. [16] Kapag nangyari ito, nagpapalabas o humihigop ito ng liwanag na may prekwensyang proporsyonal sa pagbabago ng enerhiya (at kaya ang paghigop at pagpapalabas ng liwanag ng tiyak at malinaw na espektra). [16]
 
[[LarawanTalaksan:neon orbitals.JPG|frame|right|Ang limang ligirang atomika ng isang atomo ng neon na pinaghiwalay at iniayos papataas sa enerhiya. Ang bawat ligiran ay naglalaman hanggang dalawang elektron na umiinog sa sonang ipinakikita ng mga bolang may kulay. Ang elektron ay magkatumbas sa parehong sona ng ligiran na ipanakikita rito upang isalarawan ang iba’t-ibang pase ng onda.]]
 
Ang bagong landas na ito ay nagpawalang halaga sa modelong Bohr dahil sa malinaw at malinis ng itinakdang bilog na ikot nito. Ang makabagong modelo ng atomo ay nagpapakita ng posisyon ng mga elektron sa isang atomo sa pamamagitan ng [[probabilidad]]. Sa padrong ito na tinatawag na atomic orbital ([[ligirang atomika]]), ang isang elektron ay malamang na masusumpungan anumang layo sa nukleyo subalit – depende sa nibel ng enerhiya nito – may tiyak kinikilingang rehiyon ito sa paligid ng nukleyo.