Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "David at Goliat"

m
namespace change &/or gen. fixes
m (namespace change &/or gen. fixes)
[[LarawanTalaksan:Osmar Schindler David und Goliath.jpg|thumb|right|''David at Goliat'' (1888), isang litograpong may kulay na gawa ni [[Osmar Schindler]] (1869-1927).]]
[[LarawanTalaksan:Peter Paul Rubens David Slaying Goliath.jpg|thumb|right|''Pagpaslang ni David kay Goliat'', isang dibuho (langis sa ibabaw ng kanbas) na ipininta ni [[Peter Paul Rubens]], c. 1616.]]
Ang '''''David at Goliat'''''<ref name=NBK>{{cite-NBK|''David and Goliath, Bible Stories''}}, pahina 164-165.</ref> ay isang kuwentong matatagpuan sa ''1 [[Aklat ni Samuel|Samuel]] 17'' ng [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]] na tungkol sa pagtutunggali sa pagitan ng [[higante]]ng si [[Goliat]] (binabaybay ding [[Goliath]]<ref name=Biblia5>{{cite-Biblia5|"Goliath", "taga-Gath"}}</ref>) na isang [[Filisteo]]ng taga-Gat (o taga-Gath<ref name=Biblia5/>) at ng bata pang si [[David]] na anak ni [[Isai]] (o [[Jesse]]<ref name=Biblia3>{{cite-Biblia3|[http://angbiblia.net/1_samuel17.aspx ''Ang Hamon ni Goliat''], ''Si David sa Kampo ni Saul'', ''Natalo ni David si Goliat'', ''Iniharap si David kay Saul'', at paggamit ng baybay na ''Jesse'' sa halip na ''Isai''}}</ref>) na [[Belenita]]; ito si David na magiging hari ng [[Sinaunang Israel]].<ref name=Biblia4>{{cite-Biblia4|''1 Samuel 17:40'', ''Why five stones for David's battle with Goliath?''; (...) ''David defeats Goliath by knocking him unconscious with a stone and then cutting off his head (...)}}, pahina 44.</ref><ref name=Biblia>{{cite-Biblia|''1 Samuel 17: 1-58'', ''Ang Higanteng si Goliat'', ''Pinatay ni David ang Higante'', ''Tinanggap ni David ang Hamon'', at ''Ang Labanan''; "supot-pastol"}}, pahina 409-412.</ref> Nilarawan ang salaysay na ito bilang "ang pinakatanyag na sagupaan" o konprontasyon "ng kasaysayan" sa ''500 Questions & Answers from the Bible'' (o "500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya") na pinatnugutan ni Mark Fackler.<ref name=Biblia4/>
 
==Paghahanda at pananalig ni David==
===Limang bato ni David===
[[LarawanTalaksan:Tanzio da Varallo, Davide e Golia, ca. 1625 (Museo civico, Varallo).jpg|thumb|right|''David at Goliat'', isang dibuho ni Tanzio de Varallo, c. 1625.]]
Isang bato lamang ang nakapagpabagsak kay Goliat, ngunit namulot si David ng limang makikinis na bato bago harapin ang higante. Ayon sa pinanutnugutang aklat ni Fackler, naghanda si David ng ganitong bilang ng bato dahil sa tatlong mga kadahilanan: una, maaaring magsikilos at makipagsagupaan kay David at mga Israelita ang mga Filisteo kapag naging matagumpay si David sa paggapi kay Goliat sa unang pukol pa lamang; pangalawa, maaaring kailanganin ang mga bato kung sakaling kumilos o lumaban din ang taong tagapagdala ng baluti ni Goliat; at pangatlo, naghanda si David para sa isang matagalang pakikibaka, isang pakikipagtuos na kakailanganin ni David ang pag-iwas mula sa mga bigwas ni Goliat habang magpapatama naman ng mga pagtira ng mga bato mula sa panghulagpos si David.<ref name=Biblia4/>