Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Nukleyus ng selula"

m
namespace change &/or gen. fixes
m (sa ngalan ni Felipe Aira, nagsatagalog ng mga kawing sa mga ngalan espasyo)
m (namespace change &/or gen. fixes)
=Nukleyo ng Selula=
 
[[LarawanTalaksan:HeLa Hoechst 33258.jpg|thumb|350px|right|Mga selula ng [[HeLa]] kung saan ang [[DNA]] ay may tininaan ng Blue Hoechst dye. Ang selula sa gitna at kanan ay nasa interpeis (interphase) kung saan kitang-kita ang nukleyo. Ang selula sa kaliwa ay sumasailalim naman sa paghahating nukleyar ([[mitosis]]) kung saan makikita ang paghihiwalay na mga [[kromosoma]]. ]]
 
[[LarawanTalaksan:biological cell.svg|thumb|250px|Larawan ng karaniwang selula na nagpapakita ng kanyang bahaging subselular. Mga Organela: (1) nukleyolus (2) nukleyo (3) ribosomas (4) besikulo (5) magaspang na retikulong endoplasmiko (RE) (6) Aparatong Golgi (7) sitoeskeleton (8) makinis na RE (9) mitokondriya (10) bakyula (11) sitoplasma (12) lisosoma (13) mga sentriyola]]
 
Sa biyolohiya ng selula, ang '''nukleyo''' (mula sa Latin ''nucleus'' or ''nuculeus'', ubod) ay isang organelang nababalutan ng lamad na masusumpungan sa loob sa maraming eukaryotikong selula. Naglalaman ito ng mga henetikong materyal na nakaayos bilang mahahabang molekula ng DNA na nakakawing sa iba’t-ibang proteina tulad ng mga [[histonas]] upang makabuo ng mga kromosomas. Ang mga [[henes]] (genes) sa loob ng mga kromosomang ito ang bumubuo sa henoma nukleyar ng selula. Ang pagpapanatili sa integridad ng mga henes at makontrol nito ang mga aktibidad ng selula tulad ng pagdidikta sa ekspresyon ng mga henes ang mga pangunahing gawain ng nukleyo.
Ang pangunahing elementong pambalangkas ng isang nukleyo ay ang balot nukleyar nito. Ito ay isang dalawang sapin ng lamad na bumabalot sa buong organela at naghihiwalay sa sitoplasma at sa laminang nukleyar niya. Ang laminang nukleyar ay parang lambat sa loob ng nukleyo na nagbibigay ng suportang mekanikal na katulad ng sitoeskeleton (cytoskeleton) na sumusuporta sa kabuuan ng isang selula. Dahil sa lamad nukleyar nito,hindi makapapasok ang maraming molekula. May mga maliliit na butas nukleyar upang makatawid ang mga molekula sa balot nito. Ang mga butas na ito ay tumatawid sa dalawang balot ng lamad nukleyar upang magbigay daan sa malayang pagtawid ng mga maliliit na molekula at iono. Ang pagtawid ng malalaking molekula tulad ng mga proteina ay maingat na kinokontrol at nangangailangan ng aktibong pagtawid na kinakailangan ng proteinang taga-tawid. Napakahalaga ng patawirang nukleyar sa gawain ng isang selula sa dahilang ang pagtawid sa mga butas nito ay kailangan sa ekspresyon ng henes at pagmamantene ng kromosoma.
 
 
[[Kaurian:Biyolohiya]]
 
 
{{stub}}