Estoisismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
dagdag
AnakngAraw (usapan | ambag)
dagdag
Linya 1:
Ang '''pagbabata''' o '''pagtitiis''' ay ang hindi pag-inda sa ligaya at dusa o sakit. Sa ganitong kalagayan, may katapangan o kahandaan ang pag-iisip upang magtiis ng hirap at pasakit.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Stoicism''}}</ref> Kilala rin ito bilang '''estoisismo''' o '''istoisismo''', isang paaralan ng Helenistikong pilosopiyang itinatag sa [[Atenas]] ng pilosopong si [[Seno ng Sitium]] noong kaagahan ng ikatlong daang taon BK. Tumutuon ito sa masiglang ugnayan sa pagitan ng kosmikong [[determinismo]] at kalayaang pampilosopiya ng tao, at maging sa paniniwalang mas mainam ang magpanatili ng ''prohairesis'' o kagustuhan (determinasyon) na nakaayon sa kalikasan. Tinatawag na mga '''estoiko''' o '''istoiko''' ang mga sumusunod sa pagtuturo ni Seno ng Sitium.<ref name=LSP>{{cite-LSP|''Stoics'', ''Word List''}}, pahina 135.</ref>
 
Tanyag ang doktrinang estoiko sa [[Gresya]] at sa [[Imperyong Romano]] mula sa pagkakatatag nito magpahanggang atasan ni Emperador [[Justiniano I]] na magsara ang lahat ng mga paaaralan ng pilosopiya noong 529 AD. Para kay Justiniano I, labag sa kanyang pananampalatayang Kristiyano ang katangiang [[pagano]] ng mga nasabing paaaralan.<ref>[[Agathias]]. ''Histories'', 2.31.</ref>