Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Mga Negrito"

walang buod ng pagbabago
Ang mga '''Negrito''' sa [[Pilipinas]], ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing [[unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas]] noong mga may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa [[Borneo]] at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating ang [[Palawan]], [[Mindoro]] at ilang bahagi ng [[Mindanaw]]. Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang nauna kesa mga Negrito. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang [[tao sa Tabon]], kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang taong namuhay sa Pilipinas. Ngunit hindi pa rin natitiyak kung kailan talaga dumating ang mga Negrito sa kapuluan. Isa sa mga dating sapantaha ang naglalahad na nakarating sa Pilipinas ang Negrito noong huling panahon ng tag-ginaw (mga 30,000 taon hanggang 18,000 taon sa nakaraan), kung kailan bumabaw ang mga karagatan kaya't nakalakad ang mga tao sa lupang lumitaw mula [[Biyetnam]], [[Indonesya]] at [[Malaysia]]. Ito ang sinapantaha sapagkat pinaniniwalaang hindi marunong ang mga Negrito sa larangan ng pamamangka at paglalakbay sa mga katubigan, partikular na sa mga karagatan, bagaman may mga ginawang paghahambing sa pagitan ng mga Negrito at ng mga [[aboriheno]] ng [[New Guinea|Bagong Gineya]] at [[Melanesya]].<ref name=Elaput>[http://www.elaput.org/pinsutao.htm "Negrito"], ''Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?'', ''Ang Unang Tao'', Elaput.org</ref> Sapagkat marunong gumamit ng [[palakol]] at [[askarol]] ([[batong pinatulis]]) ang mga tinutukoy na aboriheno, at may kaalaman din sa pamamangka, nagkaroon ng mga katanungan kung naging marunong din sa ganitong mga gawain ang mga Negrito. Subalit nagkaroon ng mga suliranin sa paghanap ng mga sinauna nilang kagamitang yari sa mgabato o mga katulad mula sa mga kasukalan ng mga kagubatan. Nalalaman lamang na may gawi silang [[nomadiko]] o palabuy-laboy, pagala-gala, at palipat-lipat ng mga pook, wala silang permanenteng tirahan, kahit man mga libingan ng mga namatay na kauri.<ref name=Elaput/>
 
==Pinagmulan ng salita:)==
Hinango ang salitang ''Negrito'' mula sa [[wikang Kastila|Kastila]]ng ''[[negro]]'', at nangangahulugang "maliit na taong maitim", na tumutukoy sa kanilang maliit na pangangatawan. Ginamit ito ng unang mga eksplorador na Europeano na sinapantahang nanggagaling ang mga Negrito mula sa [[Aprika]]. Kung minsan, tinataguriang mga [[pigmi]] (mula sa salitang ''pygmy'' ng [[wikang Ingles|Ingles]], na nagkukumpolsa kanila sa mga mamamayang may katulad na kayariang pangkatawan sa [[Gitnang Aprika]]. Gayon din, minsan ding ginagamit ang salitang ''Negrito'' sa mga pigming Aprikano.<ref>''Encyclopædia Britannica'', ika-11 edisyon, 1910–1911: "Second are the large Negrito family, represented in Africa by the dwarf-races of the equatorial forests, the [[Aka (tribong Pigmi)|Akkas]], [[Batwa]], [[Wochua]] and others..." (p. 851)</ref> Kung minsan pa rin, ginagamit din ang salitang ''[[Negroid]]'' para tukuyin ang mga pangkat na ito, partikular na sa kanilang panlabas na kaanyuhang pisikal, katulad ng buhok at kulay ng balat. Ayon kay James J.Y. Liu, isang propesor na panitikang hambingan (literaturang komparatibo), tumutukoy ang terminong Intsik na ''[[Kunlun Nu|Kun-lun]]'' ({{Zh-t|崑崙}}) sa mga Negrito.<ref name=liu>Liu, James J.Y. ''The Chinese Knight Errant''. London: Routledge at Kegan Paul, 1967 (ISBN 0-2264-8688-5)</ref>
 
Anonymous user