Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Organo (anatomiya)"

m
robot dinagdag: zh-yue:器官; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: zh-yue:器官; Kosmetiko pagbabago)
:''Para sa ibang mga gamit, tingnan ang [[Organo (paglilinaw)]] at [[menudo (paglilinaw)]].''
 
Sa [[biyolohiya]], ang '''organo'''<ref name=JETE/><ref name=Estrada>"Organo." Estrada, Horacio R. ''Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao'', pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. [http://www.stii.dost.gov.ph/dostpub/nrcp.htm ''NRCP Medical Series 3''], STII.dost.gov.ph</ref> o '''laman-loob''' ([[Ingles]]: ''organ''; [[Wikang Latin|Latin]]: ''organum'', "kasangkapan, instrumento") ay isang grupo ng mga [[tisyu]] na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin. Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu (Ingles: ''main'') at mga nakakalat (Ingles: ''sporadic'') na mga tisyu. Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo. Halimbawa, ang pangunahing tisyu sa [[puso]] ay ang [[myocardium]], habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga [[tisyung nerbyos]], [[dugo]], [[connective tissue|panikit na tisyu]], at iba pa. Tinatawag ding '''[[menudo (paglilinaw)|menudo]]''' o '''[[minudo (paglilinaw)|minudo]]''' ang mga organo o laman-loob ng mga hayop.<ref name=JETE>{{cite-JETE|Organo}}</ref>
== Mga organo ng hayop ==
Ang mga pangkaraniwang organo sa mga [[hayop]] (kabilang ang mga [[tao]] ay ang: [[puso]], mga [[baga (anatomiya)|baga]], [[utak]], mga [[mata]], [[sikmura]], [[pali]], mga [[buto]], [[lapay]], mga [[bato]], [[atay]], mga [[bituka]], [[balat]] (ang pinakamalaking organong pantao), [[matris|bahay-bata]], at [[urinary bladder|pantog]]. Karaniwang tinatawag na mga '''laman-loob''' ang mga organong nasa loob ng katawan ng mga hayop. Bilang isang kaluponan, ang mga laman-loob ay tinaguriang '''''viscera''''' (kung maramihan) o '''''viscus''''' (kung nag-iisa) sa wikang Ingles.
 
== Mga organong pang-halaman ==
Maaaring paghati-hatiin ang mga organong pang[[halaman]] sa [[vegetative|behetatibo]] at [[reproductive|reproduktibo]]. Ang mga organong behetatibo ay [[ugat (sa halaman)|ugat]], [[stem|tangkay]] at [[leaf|dahon]]; habang mga reproduktibo ay ang [[flower|bulaklak]], [[buto (sa halaman)|buto]] at [[fruit|bunga]].
 
Mahalaga ang mga organong behetatibo sa pagpapanatili ng buhay ng isang halaman (ginagawa nila ang mga mahahalagang tungkuling behetatibo, katulad ng [[photosynthesis|potosintesis]]), habang mahalaga naman ang mga organong reproduktibo sa [[plant sexuality|pagpaparami]] ng espesye. Subalit kung mayroon [[vegetative reproduction|reproduksiyong]] [[asexual reproduction|reproduksyong asekswal]], ang mga organong behetatibo ang siyang lumilikha ng bagong henerasyon ng mga halaman; samakatuwid, karaniwang lumilikha ang mga ito ng [[clonal colony|kolonyang kopya]]. Karaniwang ginagawa ng may-isang selulang organismo ang reproduksyong asekswal (hindi nangangailangan ng proseso ng [[pagtatalik]]).
 
== Mga sistema ng organo ==
Ang isang grupo ng mga magkaka-ugnay na mga organo ay tinatawag na '''sistema ng organo'''. Maaaring magkakaugnay ang mga organo sa loob ng isang sistema sa anumang pamamaraan, subalit ang mga kaugnayan sa mga tungkulin ang mga karaniwang ginagamit. Halimbawa, binubuo ang [[sistemang yurinaryo]] ng mga organong nagtutulungan sa paglikha, pag-imbak, at pagdadala ng [[urine|ihi]].
 
Ang mga tungkulin ng mga sistema ng organ ay karaniwang may magkakabahagi at mahalagang pagkakapatung-patong. Halimbawa, ang mga [[sistemang nerbyos]] at [[sistemang endokrin|endokrin]] ay kapwa nanunungkulan sa pamamagitan ng iisang organo: ang [[hypothalamus|hipotalamus]]. Sa kadahilanang ito, pinagsanib ang dalawang sistema at pinag-aralan bilang [[neuroendocrine system|sistemang neuroendokrin]]. Ito man ay totoo rin sa [[musculoskeletal system|sistemang muskuloiskeletal]], na kinasasangkutan ng mga kaugnayan sa pagitan ng [[sistemang muskular]], ng [[sistemang pangsangkabutuhan|pangsangkabutuhan]] at ng [[sistemang panunaw|dihestibo]].
 
== Mga organo sa katawan ng tao ayon sa kinalalagyan ==
=== Ulo at leeg ===
* [[utak]]
* [[mukha]]
* [[parathyroid gland|glandulang parathyroid]]
 
=== Likod ===
* [[gulugod|vertebra]]
* [[spinal cord|kurdong pang-gulugod]]
 
=== Thorax ===
* [[mammary gland|glandulang mamarya]]
* mga [[baga (anatomiya)|baga]]
* [[thymus]]
 
=== Puson ===
* [[peritoneum]]
* [[stomach|sikmura]]
* [[vermiform appendix|appendix]]
 
=== Balakang at perineum ===
* [[balakang]]
* [[sacrum]]
* [[penis|titi]]
 
=== Mga pang-itaas na sanga at mga pang-ibabang mga sanga ===
* [[muscle|masel]]
* [[Human skeleton|iskeleton]]
* [[ankle|bukung-bukong]]
 
== Sanggunian ==
=== Talababa ===
{{reflist}}
 
=== Bibliyograpiya ===
*Estrada, Horacio R. ''Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao'', isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa [[wikang Pilipino]], [http://www.stii.dost.gov.ph/dostpub/nrcp.htm ''NRCP Medical Series 1''], STII.dost.gov.ph
*Estrada, Horacio R. ''Ang Mga Selula ng Tao'', tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. [http://www.stii.dost.gov.ph/dostpub/nrcp.htm ''NRCP Medical Series 2''], STII.dost.gov.ph
*Estrada, Horacio R. ''Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao'', pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. [http://www.stii.dost.gov.ph/dostpub/nrcp.htm ''NRCP Medical Series 3''], STII.dost.gov.ph
 
== Tingnan din ==
* [[Fascia]]
* [[Organ transplant|Paglilipat ng mga organo]]
[[yi:גליד]]
[[zh:器官]]
[[zh-yue:器官]]
63,714

edits