Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lev Šestov"

m (robot dinagdag: cs:Lev Šestov)
[[Talaksan:Si Léon Chestov noong 1927.jpg|thumb|right|Lev Šestov, 1927]]Si '''Ieguda Lejb Schwarzmann''' ([[Alpabetong Siriliko|Siriliko]]: ''Иегуда Лейб Шварцман'') ([[Pebrero 13]], [[1866]]–[[Nobyembre 19]], [[1938]]), mas kilala sa kanyang seudonimong '''Lev Isaakovič Šestov''' (''Лев Исаакович Шестов'') o '''Léon Chestov''', ay isang [[pilosopiya|pilosopong]] [[eksistensyalismo|eksistensyalistang]] [[Hudiyo]]ng [[Rusya|Ruso]]. Ipinanganak sya sa [[Kyiv]], [[Ukraine]], na dating bahagi ng [[Rusya|Imperyong Ruso]] at tumakas patungong [[France]] noong [[1921]] pagkatapos ng [[Rebolusyong Ruso ng 1917|rebolusyong]] [[Bol’ševik]]. Nanirahan sya sa [[Paris]] hanggang sa kanyang kamatayan.
 
==Ang Pilosopiya ng [[Kawalan-ng-Pag-asa]]==
Ang pilosopiya ni Šestov, sa unang tingin, ay hindi nga mismo maituturing na isang pilosopiya: wala itong sistematikong pagkakaisa, koerenteng set ng mga proposisyon, o teorikong pagpapaliwanag ng mga problemang pampilosopiya. Ang karamihan sa mga akda ni Šestov ay ''fragmentary'': pagdating sa anyo (madalas syang gumagamit ng mga talinghaga), sa estilo (na sinasabing ''“more web-like than linear, and more explosive than argumentative”''), at pati na rin sa nilalaman. Tila kanyang sinasalungat ang kanyang sarili sa bawat pahina, at mismong ''hinahangad'' ang itong paradoks. Dahil ito sa kanyang paniniwalang ang buhay mismo, sa huling analisis, ay isang malaking paradoks, na hindi mauunawan gamit ng lohika o rasyonal na pagsisiyasat. Naniniwala si Šestov na walang teoríya ang makapagbibigay-lunas sa mga misteryo ng buhay. Ang kanyang pilosopiya ay hindi ''“problem-solving”'', kundi mismong lumilikha ng problema, at sinisikap nitong pagmukhaang enigmatiko sa lahat ng makakaya nito ang buhay. Ang kanyang simulain o ''point of departure'' ay hindi isang teoríya o idea kundi isang karanasan—itong karanasan na elokwenteng inilarawan ni [[James Thomson]] sa ''The City of Dreadful Night'':
 
166,389

edits