Pagsasarilinan: Pagkakaiba sa mga binago

kawing
(dagdag)
(kawing)
{{otheruses|Pribado}}
{{otheruses|Lihim}}
 
Ang '''pribasya''', '''pagsasarilinan'''<ref name=Gaboy/>, '''pribasidad''', o '''kapribaduhan''' ay ang kakayanan ng isang tao o pangkat ng mga taong itago o ihiwalay ang kanilang mga sarili o mga kabatiran tungkol sa kanilang mga sarili at dahil gayon inililitaw o isinisiwalat ang kanilang sa mga piling paraan o pagkakataon lamang. Nagkakaiba-iba ang ang mga hangganan at nilalaman ng kung ano ang itinuturing na '''pribado''' o '''pansarili''' sa mga kalinangan at mga indibidwal, ngunit nagsasali ng payak o basikong pangkaraniwang mga tema o paksa. Paminsan-minsang may kaugnayan ang pagsasarilinan sa [[anonimidad]] o [[hindi pagpapakilala]], sa kahilingang manatiling hindi napapansin o hindi napupuna habang nasa piling ng madla. Kabilang pribado ang isang bagay para sa isang tao, kalimitan itong nangangahulugang mayroon isang bagay sa loob nila na itinuturing na natatangi o sensitibo o maselan. Kung gayon, depende ang antas ng paglalabas o pagbibilad ng pansariling impormasyon sa kung paano matatanggap o tatanawin ng publiko ang ganitong kabatiran, na naiiba sa pagitan ng mga pook at kahabaan ng panahon o oras. Maaaring tingnan ang pagsasarilinan bilang isang bahagi o aspeto ng [[seguridad]] &mdash; isang bagay na may pagiging partikular na malinaw ng pagpapalitan ng mga interes o layunin ng isang pangkat at isa pa.
 
Katumbas o kaugnay din ito ng '''pag-iisa''', '''pagiging malihim''', '''pagtatago''',<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Privacy'', pribasya, pagsasarilinan}}</ref> '''[[lihim]]''', '''lingid''', at '''bukod'''. Kabaligtaran ito ng pagiging [[publiko]] o [[pangmadla]]. Itinuturing na dayuhan o hindi bahagi ng publikong parte ng pamahalaan ang pagsasarilinan, sapagkat isa sa pinakamahalagang [[karapatan ng tao]] ang pagkakaroon ng pribasya o ang karapatang "bayaan o hayaang mag-isa".<ref name=Bansa>{{cite-Bansa|''Private''}}, makikita sa [http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=private ''Private''].</ref>
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits