Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pamamaraang parlamentaryo"

walang buod ng pagbabago
m (salitang syokoy daw ang "parliyamento")
[[Talaksan:Form of government parliamentary.png|right|350px|thumb|Mga Estado na kasalukuyang gumagamit ng mga sistemang parlamentaryo ay ipinakikita ng kulay na '''pula''' at '''narangha''' - ang mga pula ay mga [[monarkiyang konstitusyonal]] kung saan ang kapangyarihan ay nakapataw sa isang parlamento, samantalang ang mga narangha ay mga [[republikang parlamentaryo]] na ang mga [[parlamento]] ay lubhang makapangyarihan sa ibabaw ng nakahiwalay na pinuno ng estado. Ang mga estado na kulay '''lunti''' ay may mga gumaganap na pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan sa iisang tanggapan, katulad ng sa mga sistemang pangulohan (presidensiyal), subalit ang tanggapang ito ay pinupunan ng pinili ng parlamento at ihinahalal ng hiwalay.]]
 
Ang '''pamamaraang parlamentaryo''' o '''sistema ng parlementaryo''' ([[Ingles:parliamentary system) ay kilala rin bilang '''parlamentarismo''', ay makikilala sa pamamagitan ng [[executive branch of government|ehekutibong sangay ng pamahalaan]] na nakadepende sa tuwiran o hindi tuwirang suporta ng [[parlamento]], na karaniwang ipinararating sa pamamagitan ng [[boto ng tiwala]]. Samakatuwid, walang tuwirang [[paghihiwalay ng kapangyarihan]] sa pagitan ng mga [[tagapagpaganap]] at [[legistative branch|tagapagbatas]] na sangay (lehislatibo), na naghahatid sa magkaibang pagtatakda sa paraan ng mga paninimbang at pagsusuri sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kung ihahambing sa mga nakikita sa isang [[republika]]ng may [[pangulo]]. Ang mga sistemang parlamentaryo ay karaniwang may malinaw na batayan ng pagkakaiba sa pagitan ng ''[[head of government|pinuno ng pamahalaan]]'' at ng ''[[pinuno ng estado]]'', kung saan ang pinuno o pangulo ng pamahalaan ay ang [[punong ministro]] o [[primero (pamahalaan)|primero]], samantalang ang pinuno ng estado ay kadalasang ang hinalal (ng mga mamamayan o sa pamamagitan ng parlamento) na pangulo o namamanang [[monarkiya|maharlika]]. Hinihirang ang pangulo ng estado bilang isang pangulo sa titulo lamang na may maliit o sermonyal na kapangyarihan.
 
Ang kawalan ng malinaw na pagkakahiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng tagapagpagnap at [[tagapagbatas]] na mga sangay ay nagdurulot ng kritisismo ng ilan hinggil sa kakulangan ng pagsiyasat at pagtimbang na matatagpuan sa presidensyal na [[republika]]. Sa kabilang banda, may pumupuri rin sa parlimentaryo, kaugnay ng [[presidensyalismo]], dahil sa madaling pagtugon nito sa publiko at pagbabago. Pinupulaan din ito minsan dahil sa pangunguna ng mga hindi matatag na pamahalaan, katulad ng Alemang [[Republikang Weimar]] at ang [[Ikaapat na Republika ng Pransya]].
Anonymous user