Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Nestorianismo"

linis kawing
(dagdag)
(linis kawing)
Ang '''Nestoryanismo''' o '''Nestorianismo''' ay isang kilusan sa loob ng [[Kristiyanismo]]. Nasa likod ng doktrinang ito ang ideyang may dalawang mga persona si [[Hesus]]: ang isa ay si Hesus isang [[tao]] at ang isa pa ay ang pagiging ''[[Logos (sa Kristiyanismo)|Logos]]'' o [[Anak ng Diyos]] ni Hesus kaya't siya ay [[dibino]] o [[banal]], sa halip na may pinag-isang pagkadiyos at pagiging tao sa iisang persona.<ref name=NBK/> Si [[Nestorius]], ang arsobispo ng [[Konstantinopla]] ([[Konstantinople]]) ang isa sa pinakalantad na tagapagtangkilik ng ideyang ito, na namuhay noong mula bandang 380 AD hanggang bandang 450 AD. Humiwalay si Nestorius sa [[Simbahang Romano Katoliko]] pagkaraan ng [[Unang Konseho ng Efeso]] na naganap noong 431 AD, kung kailan tinuligsa ng Konseho ng Efeso ang pananaw ng mga '''Nestoryano''' o '''Nestoriano''', ang tawag sa mga tagasunod ni Nestorius.<ref name=NBK/> Dahil dito nagkaroon ng pagkakahati sa Simbahan, na humantong sa pagkakaroon ng [[Asiryong Simbahan ng Silangan]] at ng [[Simbahang Bisantino]]. Dahil na rin dito, minsang natatawag na Nestoryano ang Asiryong Simbahan ng Silangan, na may pinanghahawakang pananaw na may dalawang mga "[[esensiya]]" (ang ''qnome'') si Hesus na pinag-isa sa isang katauhan o persona (ang ''parsopa''). Kumalat pasilangan ang Nestoryanismo mula ika-6 hanggang ika-7 mga daang taon, una sa [[Persa]] at pagdaka sa [[Indya]] at [[Tsina]]. Sa kasalukuyan, umiiral ang bakas ng kilusan sa [[Iran]], [[Turkiya]], at Indya.<ref name=NBK>{{cite-NBK|''Nestorians''}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''N'', pahina 438.</ref> Dalawang mga simbahan na lamang ang nagtuturo ng Nestoryanismo sa ngayon, ang Asiryong Simbahan ng Silangan at ang [[Church of the East & Abroad|Simbahan ng Silangan at Ibang Bansa]].
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits