Buksan ang pangunahing menu

Changes

sanggunian
Ang '''Antilyas Nerlandesa''', na tinatawag ding '''Antilyang Olandes''', '''Antilyas Olandesa''', '''Kanlurang mga Indyang Olandes''', o '''Olandes na Kanlurang mga Indya''' (Kastila ''Las Antillas Neerlandesas'', ''Antillas Holandesas'', o ''Indias Occidentales Holandesas''; Ingles: ''Netherlands Antilles'', ''Netherlands West Indies'', ''Dutch Antilles'', o ''Dutch West Indies''<ref name=NBK/>) ay isang pangkat ng mga pulong binubuo ng mga Pulong Leeward ng [[Curacao|Kurasaw]] sa [[Aruba]] at [[Bonaire]] sa may dalampasigan ng [[Beneswela]], at ng mga Pulong Windward ng [[San Eustatius, Saba|San Eustatius]], Saba, at bahagi rin ng San Martin sa silangan ng [[Portoriko]]. Pinamamahalaan mula sa Kurasaw, nasakop ng mga Olandes ang kapuluan noong 1634. Naging nagsasarili at bahagi ng [[Kaharian ng Nederlands]] ang mga pulo noong 1954. Nagkaroon ito ng panloob ng sariling pamahalaansa pamamagitan ng [[gubernador]] at nahalal na [[lehislatura]]. Hinahango ang kinikitang salapi nito mula sa mga pabrika o repinarya ng mga langis at industriyang pangturismo. Kabilang sa mga wikang ginagamit sa '''Antilyas ng Nederlands''' ang [[wikang Olandes|Olandes]], [[wikang Kastila|Kastila]], [[wikang Ingles|Ingles]], at ang magkakahalong katutubong wikang [[wikang Papiamento|Papyamento]].<ref name=NBK>{{cite-NBK|''Netherlands Antilles''}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''N'', pahina 439.</ref>
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits