Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Zambezi"

sanggunian
(bago)
 
(sanggunian)
Ang '''Zambezi''' (binabaybay ding '''Zambesi''') ay ang pang-apat na pinakamahabang [[ilog]] sa [[Aprika]], at ang pinakamalaking dumadaloy patungo sa [[Karagatan ng India]] mula sa Aprika. Ang area ng [[drainage basin|lunas]] nito ay may sukat na 1,390,000&nbsp;km² (537,000&nbsp;[[milya kuwadrado|mga milya²]]),<ref name="Beilfuss">[http://files.gorongosa.net/filestore/348-patterns_hydrological_change_zambezi_delta.pdf Richard Beilfuss & David dos Santos: ''Patterns of Hydrological Change in the Zambezi Delta, Mozambique.]'' ''Working Paper No 2 Program for the Sustainable Management of Cahora Bassa Dam and The Lower Zambezi Valley'' (2001). Tinatayang tulin ng daloy = 3424&nbsp;m³/s</ref><ref name="INBO">[http://www.riob.org/transfrontalier/Bilanglobal.PDF ''International Network of Basin Organisations/Office International de L'eau'':] "''Développer les Compétences pour mieux Gérer l'Eau: Fleuves Transfrontaliers Africains: Bilan Global.''" (2002). Tinatayang taunang pagpapalabas = 106&nbsp;km³, katumbas ng karaniwang tulin ng daloy = 3360&nbsp;m³/s</ref> na bahagyang mas kakaunti kaysa [[Ilog ng Nilo|Nilo]]. Mayroong pinagmumulan ang mahabang ilog na ito na may habang 3,540&nbsp;mga kilometro (2,200&nbsp;mga milya) mula sa [[Zambia]] at dumaraan ang daloy sa [[Angola]], sa kahabaan ng mga hangganan ng [[Namibia]], [[Botswana]], Zambia, at [[Zimbabwe]], hanggang [[Mozambique]], kung saan bumubuhos ito patungo sa Karagatan ng India.
 
Isa sa mga pinaka kamangha-manghang katangiang-kasangkapan nito ang magandang [[Victoria Falls|Mga Talon ng Victoria]]. Ilan pa sa natatanging mga talon dito ang [[Mga Talon ng Chavuma]] na nasa hangganan ng Zambia at Angola, at [[Mga Talon ng Ngonye]], na malapit sa [[Sioma]] sa Kanlurang Zambia.
166,389

edits