Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

walang buod ng pagbabago
(Ginawang 'Marpil' ang 'Ivory')
 
 
Ayon sa mga kasulatang natagpuan ng mga arkeyolohiya, si Osiris ay isa sa pinakamatandang diyos na sinamba ng mga sinaunang Ehipto. Ang pangalan niya na nakaukit sa [[Bato ng Palermo]], tinatayang naisulat noong c. 2500 BK, ang pinakamatandang kasulatang nagsasaad ng mga bagay-bagay tukong kay Osiris. Naisulat sa maraming iskriptura ang mga kwento tungkol kay Osiris; kabilang dito ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text), ang [[Aklat ng mga Yumao]] (Book of the Dead), at sa pagsisimula bagong yugto ng Ehipto, ang [[Bato ng Shabaka]] -- na naglalaman ng tanyag ng kwento ng ''Tunggalian nila Horus at Set''. Nang sakupin ng mga Griyego ang kaharian ng Ehipto, binigyan ng historyador na si [[Plutarch]] ng Makabagong interpretasyon ang mga mitolohiya ng Ehipto. Bagamat si Osiris ang diyos na sinasabing nagbibigay ng kaligtasan para sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao, siya ay isa sa mga naging pinakatanyag na diyos sa buong daigid. Dahil ito sa kanyang kwento na nagbibigay pagasa na ang mga tao ay mabubuhay muli ng maligaya sa kabilang buhay. Ang pagsamba kay Osiris ay kumalat sa maraming dako ng daigdig at ito ay nagpatuloy ilangng anim na libong-taon matapos isilang si [[Hesus Kristo|Kristo]]. Tuluyang nawala ang mga kultong sumasamba kay Osiris matapos ipagbawal ito ng mga namumunong mga [[Kristyanismo|Kristyano]] at [[Muslim]].
 
Bilang diyos na nangangalaga ng mga yumao, si Osiris ay sadyang binigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod niya. Tinuturing ng mga [[Paraon]] ng Ehipto ang sarili nila bilang mga tagapagmana ng kabilang-buhay mula kay Osiris sa kanilang pagyao sa daigdig. Subalit sa paglipas ng panahon, lahat ng mga tagasunod ni Osiris, maging karaniwang tao lamang o may kapangyarihan, ay itinuring nang tagapagmana ng kanyang kaharian sa kabilang buhay. Sari-sari mga ritual at misteryo ang inaalay kay Osiris para masigurado na sila ay tatanggapin niya sa paraiso ng kabilang-buhay.
Anonymous user