Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

bawas puwang
(Final Correction for 1st-5th Parts)
(bawas puwang)
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Osiris''' ([[wikang Griyego]]: '''Usiris'''; binabaybay din sa transliterasyon ng [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asar''', '''Aser''', '''Ausar''', '''Ausir''', '''Wesir''', '''Usir''', '''Usire''', o '''Ausare''') ay isang diyos ng Ehipsyo, na kalimitang tinatawag na diyos ng Kabilang Buhay. Siya ang diyos ng [[buhay]], hari at hukom ng [[kamatayan]]<ref name=NBK>{{cite-NBK|Osiris}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''O'', pahina 288.</ref>, at ng pagbaha ng [[Ilog ng Nilo]]. Si Osiris ang diyos na naghuhukom at tagasakdal ng kaukulang hatol sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao na naghahanap ng daan sa paraiso sa kabilang buhay.
 
 
Ayon sa mga kasulatang natagpuan ng mga arkeyolohiya, si Osiris ay isa sa pinakamatandang diyos na sinamba ng mga sinaunang Ehipto. Ang pangalan niya na nakaukit sa [[Bato ng Palermo]], tinatayang naisulat noong c. 2500 BK, ang pinakamatandang kasulatang nagsasaad ng mga bagay-bagay tukong kay Osiris. Naisulat sa maraming iskriptura ang mga kwento tungkol kay Osiris; kabilang dito ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text), ang [[Aklat ng mga Yumao]] (Book of the Dead), at sa pagsisimula bagong yugto ng Ehipto, ang [[Bato ng Shabaka]] -- na naglalaman ng tanyag na kwento ng ''Tunggalian nila Horus at Set''. Nang sakupin ng mga Griyego ang kaharian ng Ehipto, binigyan ng historyador na si [[Plutarch]] ng Makabagong interpretasyon ang mga mitolohiya ng Ehipto. Bagamat si Osiris ay isang diyos na sinasabing nagbibigay ng kaligtasan para sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao, siya ay isa sa mga naging pinakatanyag na diyos sa buong daigdig. Dahil ito sa kanyang kwento na nagbibigay pagasa na ang mga tao ay mabubuhay muli ng maligaya sa kabilang buhay. Ang pagsamba kay Osiris ay kumalat sa maraming dako ng daigdig at ito ay nagpatuloy ng anim na libong-taon matapos isilang si [[Hesus|Kristo]]. Tuluyang nawala ang mga kultong sumasamba kay Osiris matapos ipagbawal na ito ng mga namumunong mga [[Kristyanismo|Kristyano]] at [[Muslim]].
166,389

edits