Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

2,555 byte added ,  11 year ago
Paki lagyan ng sanggunian ang quoteblock sa 'Ang Ama ni Horus': http://www.reshafim.org.il/ad/egypt/texts/shabaka_stone.htm (Nob 19,2009) Salamat.
(Maling pagbabanghay ng Heniyalohiya.)
(Paki lagyan ng sanggunian ang quoteblock sa 'Ang Ama ni Horus': http://www.reshafim.org.il/ad/egypt/texts/shabaka_stone.htm (Nob 19,2009) Salamat.)
[[Talaksan:Egypt.Osiris.statuette.01.jpg|thumb|right|Istatuwa ni Osiris.]]
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Osiris''' ([[wikang Griyego]]: '''Usiris'''; binabaybay din sa transliterasyon ng [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asar''', '''Aser''', '''Ausar''', '''Ausir''', '''Wesir''', '''Usir''', '''Usire''', o '''Ausare''') ay isang diyos ng mga sinaunang Ehipsyo, na kalimitang tinatawag na diyos ng Kabilang Buhay. Siya ang diyos na nagdadala ng [[buhay]], atang hari at hukom ng mga namatay na mga tao <ref name=NBK>{{cite-NBK|Osiris}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''O'', pahina 288.</ref>, at ng pagbaha ng [[Ilog ng Nilo]]. Si Osiris ang diyos na naghuhukom at tagasakdal ng kaukulang hatol sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao na naghahanap ng daan sa paraiso sa kabilang buhay.
 
Ayon sa mga kasulatang natagpuan ng mga arkeyolohiya, si Osiris ay isa sa pinakamatandang diyos na sinamba ng mga sinaunang Ehipto. Ang pangalan niya na nakaukit sa [[Bato ng Palermo]], tinatayang naisulat noong c. 2500 BK, ang pinakamatandang kasulatang nagsasaad ng mga bagay-bagay tukong kay Osiris. Naisulat sa maraming iskriptura ang mga kwento tungkol kay Osiris; kabilang dito ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text), ang [[Aklat ng mga Yumao]] (Book of the Dead), at sa pagsisimula bagong yugto ng Ehipto, ang [[Bato ngni Shabaka]] -- na naglalaman ng tanyag na kwento ng ''Tunggalian nila Horus at Set''. Nang sakupin ng mga Griyego ang kaharian ng Ehipto, binigyan ng historyador na si [[Plutarch]] ng Makabagong interpretasyon ang mga mitolohiya ng Ehipto. Bagamat si Osiris ay isang diyos na sinasabing nagbibigay ng kaligtasan para sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao, siya ay isa sa mga naging pinakatanyag na diyos sa buong daigdig. Dahil ito sa kanyang kwento na nagbibigay pagasa na ang mga tao ay mabubuhay muli ng maligaya sa kabilang buhay. Ang pagsamba kay Osiris ay kumalat sa maraming dako ng daigdig at ito ay nagpatuloy ng anim na libong-taon matapos isilang si [[Hesus|Kristo]]. Tuluyang nawala ang mga kultong sumasamba kay Osiris matapos ipagbawal na ito ng mga namumunong mga [[Kristyanismo|Kristyano]] at [[Muslim]].
 
Bilang diyos na nangangalaga ng mga yumao, si Osiris ay sadyang binigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod niya. Tinuturing ng mga [[Paraon]] ng Ehipto ang sarili nila bilang mga tagapagmana ng kabilang- buhay mula kay Osiris sa kanilang pagyao sa daigdig. Subalit sa paglipas ng panahon, lahat ng mga tagasunod ni Osiris, maging karaniwang tao lamang o may kapangyarihan, ay itinuring na ring mga tagapagmana ng kanyang kaharian sa kabilang buhay. Sari-sari mga ritual at misteryo ang inaalay kay Osiris para masigurado na sila ay tatanggapin niya sa paraiso ng kabilang buhay.
 
Ayon sa mitolohiya, bago siya mamatay at mabuhay muli bilang isang hari ng kabilang buhay, si Osiris ay itinuturing na tagapagdala ng [[sibilisasyon]] at [[agrikultura]] sa Ehipto. Bilang diyos ng agrikultura, tinuturing rin si Osiris na isang diyos na nagbibigay ng buhay sa mga pananim at mga tao; na matapos ang kamatayan ng isang halaman o tao, si Osiris din ang nagbibigay ng panibangong buhay sa mga ito. Ang kwentong ito ng muling pagkabuhay ay ginagamit na paliwanag ng ilang mga sinaunang Ehipsyo kung bakit nagkakaroon ng mga sikulo ng pagkabuhay at pagkamatay, tulad ng sikulo ng kapanganakan at kamatayan, pagtubo at pagkalanta, paglaki at pagliit ng buwan atbp.
Hindi kailan mang naging malinaw sa atin ang pagkaka-salaysay ng kwento ni Osiris. Kadalasang nagkakaroon sa sari-sariling bersyon o interpretasyon ang mga iba-ibang mga [[lungsod estado]] sa Ehipto ukol sa kanilang mitolohiya. Dahil dito, nagkaroon ng iba-ibang nilalaman ang kwento ni Osiris, kadalasang nagkakakontrahan sa isa't-isa.
 
Matagal nang naniniwala ang mga sinaunang Ehipsyo sa kabilang-buhay. Maraming mga iba't ibang uri ng mga dasal at hymno para sa mga yumao ang ating natagpuang nakaukit sa mga dingding nga mga libingang ''mastabas'' o di kaya'y nakasulat sa mga lumang papeles at mga aklat na kasamang inililibing sa namatay. Kabilang sa mga dasal na ito ay ang pagbibigay ng mga alay at dasal kay Osiris, na matatagpuan sa mga Teksto ng mga Piramides at sa Aklat ng mga Yumao. Noong nagumpisa ang Ikalimang Dinastiya ng Ehipto, agarang dumami ang mga naitatalang mga deboto ni Osiris at mga dasal na inaalay kaysa Osiriskanya; at ang dasal ng mga paraon ay mababasa na ''Nagaalay ako(ang hari) kay Osiris''. Sa ganitong paraan, dito makikita na si Osiris ay sadyang naging napakahalaga sa relihyon ng mga sinaunang Ehipsyo.
 
Mayroong nilalaman na dasal para kay Osiris ang Unang Kabanata ng Aklat ng mga Yumao na pinamagatang '''Himno kay Osiris''', na isinalin sa wikang Ingles ng Ehipolohistang si ''E.A. Wallis Budge'':
 
<blockquote>
"Pagbibigay[Ito ang] pagbibigay-pugay [namin] para sa inyo, Osiris, Panginoon ng [panahon na] 'walang hanggang' , Hari ng lahat ng diyos, siyang may pangalang sari-sari, siyang ang maraming anyo ay banal, kayong nilalang ng anyong hindi nakikita sa mga templo, siyang may Ka (ang mahigit-kumulang na katumbas ng kaluluwa ng tao) na banal. [Ikaw] na nasasakdal na gobernador ng [lungsod ng] [[Busiris]], na [siya] ding makapangyarihan [katauhan] ng [lungsog ng] [[Sekhem]]. ['Ikaw'] na Panginoong na kung kanino ang mga pagpupuri ay isinasaalang [dito] sa [distrikto] ng Ati, sumasa-Prinsipe [''na nangangalaga''] sa banal na hain (pagkain) ni Ani. [Kayo na] sumasa-Panginoon na siyang isinasaala-ala [ng mga panginoon] ng [[Ma'at|Maati]] (ang kahulugan ng katotohana), Panginoon ng [Bayan ng] [[Elephantine|Qerrt]], ang Namumunong kataas-taasan (supremo) ng Puting [''Pader''] (ang 'Pader' ay tumutukoy sa isang malaking ''kuta'') [ng lungsod] ng [[Memphis, Ehipto|Memphis]]. [Kayo na] sumasakaluluwa kay Ra, ang kayang (Ra) mismong katawan..."</blockquote>
 
<blockquote>
Nang muling matagpuan ni Isis ang kahon, ibinuksan niya ito at nakitang si Osiris ay wala ng buhay. Sa pamamagitan ng salamangka, panandaliang napanatili ni Isis na buhay kahit papaano si Osiris at ibinalik niyo siya sa Ehipto. Nagawa ni Isis na makipagtalik kay Osiris kung kaya't si Isis ay nagkaroon ng supling sa kanyang sinapupunan na si [[Horus]]. Subalit nang iniwan ni Isis ang kahon sa dampa ng ilog Nile noong gabi, natagpuan ito si [[Seth|Set]], at sa kanyang galit, tuluyan niya pinaslang ang kanyang kapatid at pinaghiwa-hiwalay niya ang mga bahagi nito sa iba't ibang dako ng Ehipto. Ayon kay Plutarch, hinati ni [[Seth|Set]] ang katawan ni Osiris sa labing-apat na bahagi, ngunit walang maayos na basihan kung ilan ba talaga ito.
 
Sa tulong ng kanilangkanyang kapatid na si Nephthys, matagumpay na nahanap ni Isis ang lahat ng bahagi ng katawan ni Osiris at,maliban sa pamamagitankanyang mula[[uten]] na kamailang kinain ng mga isdang [[Oxyrhynchus]], isang hayop na tagasunod ni Set. Sa pamamagitan ng mga makapangyarihan na salamangka ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at sa tulong mula sa mga diyos na sila [[Anubis]] at [[Thoth]], muling nabuhay si Osiris bilang hari ng mga yumao.
 
 
Ang paniniwala kung saan itinuturing na si Osiris ang ama ni Horus ay nagpapakita ng di-pagkakasundo ng mga detalye sa Mitolohiyang Ehipto. Ayon sa sinaunang (orihinal) relihyon ng mga Ehipsyo, si Osiris at [[Isis (diyosa)|Isis]] ay itinuturing magasawa sa sistemang [[Ennead]], ngunit si [[Horus]], sa orihinal na mitolohiya, ay itinuturing naman na anak ng diyosang si [[Hathor]] ayon sa sistemang [[Ogdoad]], ang katunggaling relihyon ng Ennead. Ngunit ng mapagisa ang buong kaharian ng Ehipto, kabilang ang Ennead at Ogdoad, ang gampanin ni Hathor ay ibinigay sa mas tanyag na diyosang si Isis; at dahil si Isis ay asawa ni Osiris, si Horus ay sa wakas kinilala nang anak nila Osiris at Isis.
 
Sa kagustuhang maipaliwanag kung papaano naging posible ang pagkakabuntis ni Isis at panganganak niya kay Horus na parehong mga nabubuhay sa pamamagitan ni Osiris na isa nang namatay na diyos ay sinubukang bigyan ng pagpapahalagamga tagasunod ni Osiris ang mga nilalaman ng mga tagasunodnaunang mga kasulatan ng kanilang relihyon para mabigyan ng pagpapaliwanag ang bagong nilapananampalataya. Ang ginawang pagbubuntis ni Osiris kay Isis kahit na patay si Osiris ay naging isang napaka-halagang simbolismo na nagpapatunay na sadyang napakama-kapangyarihan talaga ang salamangka ni Isis at si Osiris ay isang diyos ng pagkalalake. Sa ganitong paliwanag, ipinapakita na si Osiris ang diyos ng kabutihan bagamat siya rin ay puspusang pinagpala na mabuhay muli, magkaron ng isang dakila anak at maging karapat-dapat na punong-hukom sa mga yumao. Ang 'ama, ina at anak' na relasyon nila Osiris, Isis at Horus ay agad na kinilala ng mga Ehipsyo hanggang sa pagdating ng mga mananakop na Griyego kung saan nakilala ng mundo ang mitolohiyang Ehipto.
 
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng iisang anak na si Horus na isinilang matapos mapaslang si Osiris ng kanyang selosong kapatid na si [[Seth|Set]]. Napilitang manirahan at lumaki si Horus sa mga 'swamp' sa Hilagang Nile (ang Delta ng Ilog Nile) upang hindi siya matuklasan at patayin ng kanyang mapag-higanting [[tiyo]]. Nang umabot na si Horus sa kayang wastong [[eded]] na labing-walong tao, nagatubili siya na ipaghigante ang pagkakapaslang ng kanyang ama sa kamay ng kayang tiyo. Matapos ang maraming mahaba na tunggalian sa pagitan ng mag-tiyo kung saan hinugot ni Set ang kaliwang mata ni Horus, nagtagumpay ang anak ni Osiris sa labanan at si Horus ang naging panibagong [[paraon]] ng Ehipto. Ibinigay na lamang Horus ang kanyang nawalang mata, ang [[Wedjat]] kung tawagin, kay Osiris bilang regalo ng pagmamalasakin sa kanyang ama at ang matang ito ay naging simbolo ng kapangyarihan na makita ang lahat ng mga bagay-bagay sa daigdig (all-seeing) ni Osiris.
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng iisang anak na si Horus na isinilang matapos mapaslang si Osiris ng kanyang selosong kapatid na si [[Seth|Set]].
 
Bilang patunay ng pagkakaluklok ni Horus sa trono ng Ehipto, ang ama ni Osiris na si [[Geb]] ng testimonya, na mababasa sa unang bahagi ng [[Bato ni Shabaka]], na ngayon ay matatagpuan sa Museo ng Britanya:
<blockquote>
[Si] Geb, panginoon ng panginoon ng mga diyos [ay] nagutos na ang Siyam na diyos (Ennead) ay magtipon sa [kanya] (hukuman). Siya ang naghuhusga [sa alitan] sa pagitan nila Horus at Set; tinapos niya ang kanila alitan...</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "[aking] itinatalaga si Horus, ang panganay (nga aking panganay na anak)."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "Siya lamang [magisa], [si] Horus, [kanya] ang mana."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "Sa kanyang (Osiris) eredero, [si] Horus, [ang] aking pipapamamana."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "[Para] sa anak ng akong anak (Horus), ang [[tsakal]] ng Mataas na Ehipto"/// [Wika ni] Geb sa Siyam na diyos "Ang panganay, [si] Horus, ang Tagapagbukas-ng-mga Daanan."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "Ang anak na [siyang] panganay/// Horus, sa araw ng (kanyang) kapanganakan ng Tagapagbukas-ng-mga-Daanan."</blockquote>
 
==Bindikasyon ni Osiris==
Anonymous user