Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

walang buod ng pagbabago
(Huling mga ayos. Hindi matapos dahil abala sa kolehiyo. Pasensya na.)
Ang paniniwala kung saan itinuturing na si Osiris ang ama ni Horus ay nagpapakita ng di-pagkakasundo ng mga detalye sa Mitolohiyang Ehipto. Ayon sa sinaunang (orihinal) relihyon ng mga Ehipsyo, si Osiris at [[Isis (diyosa)|Isis]] ay itinuturing magasawa sa sistemang [[Ennead]], ngunit si [[Horus]], sa orihinal na mitolohiya, ay itinuturing naman na anak ng diyosang si [[Hathor]] ayon sa sistemang [[Ogdoad]], ang katunggaling relihyon ng Ennead. Ngunit ng mapagisa ang buong kaharian ng Ehipto, kabilang ang Ennead at Ogdoad, ang gampanin ni Hathor ay ibinigay sa mas tanyag na diyosang si Isis; at dahil si Isis ay asawa ni Osiris, si Horus ay sa wakas kinilala nang anak nila Osiris at Isis.
 
Sa kagustuhang maipaliwanag kung papaano naging posible ang pagkakabuntis ni Isis at panganganak niya kay Horus sa pamamagitan ni Osiris na isa nang namatay na diyos ay sinubukang baguhin ng mga tagasunod ni Osiris ang mga nilalaman ng mga naunang mga kasulatan ng kanilang relihyon para mabigyan ng pagpapaliwanag ang bagong pananampalataya. Ang ginawang pagbubuntis ni Osiris kay Isis kahit na patay si Osiris ay naging isang napaka-halagang simbolismo na nagpapatunay na sadyang napakama-kapangyarihan talaga ang salamangka ni Isis at si Osiris ay isang diyos ng pagkalalake. Sa ganitong paliwanag, ipinapakita na si Osiris ang diyos ng kabutihan bagamat siya rin ay puspusang pinagpala na mabuhay muli, magkaron ng isang dakila anak at maging karapat-dapat na punong-hukom sa mga yumao. Ang 'ama, ina at anak' na relasyon nila Osiris, Isis at Horus ay agad na kinilala ng mga Ehipsyo hanggang sa pagdating ng mga mananakop na Griyego kung saan nakilala ng mundo ang mitolohiyang Ehipto.
 
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng iisang anak na si Horus na isinilang matapos mapaslang si Osiris ng kanyang selosong kapatid na si [[Seth|Set]]. Napilitang manirahan at lumaki si Horus sa mga 'swamp' sa Hilagang Nile (ang Delta ng Ilog Nile) upang hindi siya matuklasan at patayin ng kanyang mapag-higanting [[tiyo]]. Nang umabot na si Horus sa kayang wastong [[eded]] na labing-walong tao, nagatubili siya na ipaghigante ang pagkakapaslang ng kanyang ama sa kamay ng kayang tiyo. Matapos ang maramingmga mahaba namahahabang tunggalian sa pagitan ng mag-tiyo, kung saan hinugot ni Set ang kaliwang mata ni Horus, nagtagumpay ang anak ni Osiris sa labanan at si Horus ang naging panibagong [[paraon]] ng Ehipto. Ibinigay na lamang Horus ang kanyang nawalang mata, ang [[Wedjat]] kung tawagin, kay Osiris bilang regalo ng pagmamalasakin sa kanyang ama. at angAng matang ito ay naging simbolo ng kapangyarihan nakakayahang makita ang lahat ng mga bagay-bagay sa daigdig (all-seeing) ni Osiris.
 
Bilang patunay ng pagkakaluklok ni Horus sa trono ng Ehipto, ang ama ni Osiris na si [[Geb]] ay nagsalaysay ng isang testimonya, na mababasa sa Unang Bahagi ng [[Bato ni Shabaka]], na ngayon ay matatagpuan sa Museo ng Britanya:
Anonymous user