Atlas (kalipunan ng mapa): Pagkakaiba sa mga pagbabago

dagdag
(linis)
(dagdag)
Ang '''atlas''' ay isang kalipunan ng mga [[mapa]], partikular na ng daigdig<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|Atlas}}</ref> o rehiyon ng mundo, subalit mayroon ding mga atlas ng iba pang mga planeta at ng kanilang mga [[satelayt]] sa [[sistemang solar]]. Nakaugaliang isinasaaklat o binubuong isang aklat ang mga atlas, ngunit mayroon na rin sa kasalukuyan ng mga atlas na nasa ibang mga anyo o pormatong [[multimidya]]. Bilang dagdag sa paglalarawan ng mga [[katangian]]g [[heograpiko]] at mga hangganang [[pulitikal]], maraming mga atlas ang kadalasang nagtataglay ng mga [[estadistika]]ng [[heopolitikal]], [[sosyal]], [[pangrelihiyon]], at [[pang-ekonomiya]].
 
May kaugnayan ang pangkartograpiyang ''atlas'' para sa kalipunan ng mga mapa sa kay [[Atlas]] ng [[mitolohiyang Griyego]]. Si [[Antonio Lafreri]] ang unang tagapaglathala na nag-ugnay sa [[Titano]]ng si Atlas sa isang pangkat ng mga mapa, sa kanyang ''Tavole Moderne Di Geografia De La Maggior Parte Del Mondo Di Diversi Autori''; ngunit hindi niya ginamit ang salitang "atlas" para sa pamagat ng kanyang akda. Si [[Gerardus Mercator]] ang partikular na naglaan ng kanyang aklat na "atlas" para "parangalan ang Titanong si Atlas na Hari ng [[Mauretania]], isang maalam na pilosopo, matematiko, at astronomo;" bagaman si [[Haring Atlas]] na isang astronomong hari ang kanyang nilalarawan.
==Mga sanggunian==
166,389

edits