Metapisika: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
robot tinanggal: new:मेताफिजिक्स; Kosmetiko pagbabago
m (robot tinanggal: new:मेताफिजिक्स; Kosmetiko pagbabago)
Isang sangay ng [[pilosopiya]] ang '''Metapisika''', at may kaugnayan ito sa mga [[agham-pangkalikasan]], tulad ng [[pisika]], [[sikolohiya]] at ang [[biyolohiya]] ng [[utak]]; at sa [[mistisismo]], [[relihiyon]] at mga paksang [[espirituwal]]. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala -- tulad ng [[pagmemeron]], [[pag-iral]], [[pangsanlahat]], [[kakanyahan]], [[kaugnayan]], [[kasanhian]], [[kalunanan]], [[kapanahunan]], [[pangyayari]] at maraming iba pa.
 
Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni [[Aristoteles]] ang sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya, tulad ng [[pilosopiya ng relihiyon]], [[pilosopiya ng pag-iisip]], [[pilosopiya ng pagdama]], [[pilosopiya ng wika]] at [[pilosopiya ng agham]]. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.
Iba naman ang pakiwari ng ibang mga tradisyon ng pilosopiya tungkol sa mga problemang pangmetapisika kumpara sa tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran; tulad ng [[Taoismo]] at iba pang [[Pilosopiya sa Silangan]] na hindi sumasang-ayon sa mga pangunahing simulain ng metapisika ni Aristoteles, na naging bahagi na at di-tinututulan sa pilosopiya sa Kanluran, bagaman merong ilan sa Kanluran na may ibang pananaw sa metapisika tulad ni [[Georg Wilhelm Friedrich Hegel]] sa kanyang ''Agham ng Lohika''.
 
== Pinagmulan ng salitang 'metapisika' ==
 
Nagsulat ng maraming aklat ang sinaunang pilosopong Griego na si [[Aristoteles]] na tinipon at pinangalanang ''Pisika''. Sa nauna nitong edisyon, iniayos ang mga sinulat ni Aristoteles ayon sa paksa; at may pangkat ng aklat na inilagay kasunod ng ''pisika''. Tinatalakay ng mga aklat na ito ang pangunahin at pangsaligang bahagi ng pagsasaliksik ng pilosopiya na hindi pa noon napapangalanan. Kaya tinawag ng mga sinaunang dalubhasa na maka-Aristoteles ang mga aklat na ito na τὰτὰ μετὰμετὰ τὰτὰ φυσικάφυσικά, "ta meta ta physika", na nangangahulugang "ang (mga aklat na inilagay) kasunod ng (mga aklat sa) pisika." Kaya, ito ang pinagmulan ng salitang 'metapisika' (sa [[Griego]], μεταφυσικάμεταφυσικά).
 
Kaya sa pagsusuri ng salitang-ugat, metapisika ang paksa ng mga aklat ni Aristoteles, na sama-samang pinangalanan na ''metapisika''. 'Paksa ng ''metapisika'' ni Aristoteles' ang pang-etimolohiyang kahulugan ng ''metapisika''.
Ilarawan natin sa ating isipan na nasa loob tayo ng isang silid, at merong hapag sa gitna ng silid, at sa gitna ng hapag, merong malaki, sariwa, masarap at hinog na santol. Maaari tayong magbigay ng maraming tanong na pangmetapisika tungkol sa santol. Sana, makatulong ito upang maunawaan natin kung ano ang metapisika.
 
Magandang halimbawa ng isang [[pisikal na bagay]] ang isang santol: puwede itong damputin, ihagis, kainin at iba pa. Meron itong pook (kalunanan) at oras (kapanahunan) na kinalalagyan at may mga taglay itong katangian (kulay, timbang, hugis, at iba pa). Kung itatanong natin, ''ano'' ba ang mga pisikal na bagay? Parang hindi masasagot ang ganitong uri ng tanong. Paano at ano ang gagamitin natin upang ipaliwanag kung ano ang mga pisikal na bagay? Ngunit pinagsisikapan ng mga pilosopo na masagot ang ganitong uri ng mga tanong sa malawakang pamamaraan. Itinatanong nila: kung pinagsama-samang katangian ba ang mga pisikal na bagay? O mga kaibuturan ba ito na ''merong'' mga ganoong katangian? Na maaari nating tawagin na ''problema ng kaibuturan'' o ''[[pagkabagay]]''.
 
Narito ang isa pang uri ng tanong. Sinasabi natin na may ''katangian'' ang santol, tulad ng pagiging malaki, pagiging sariwa, pagiging masarap at pagiging hinog. Paano ba ang pagkakaiba ng katangian sa iba't ibang mga bagay?
 
=== Mga Teknikal na Salita sa Metapisika ===
:[[abstrakto]] -- [[kongkreto]] -- [[pag-iral]] -- [[pagmemeron]] -- [[kaurian ng pag-iral]] -- at iba pa!
 
== Basahin din ==
* [http://www.perseus.tufts.edu/cgi-bin/ptext?lookup=Aristot.+Met.+980a Salin ni Hugh Tredennick (HTML at Perseus)]
* [http://plato.stanford.edu/entries/aristotle-metaphysics/ Metapisika ni Aristoteles sa Stanford Encyclopedia of Philosophy]
* Stefan Amsterdamski, Between Experience and Metaphysics. Boston Studies in the Philosophy of Science 35. Dordrecht--Boston, Reidel, 1975.
* [http://www.arfalpha.com/IdealMadeReal/IdealMadeReal.htm The Ideal Made Real or Applied Metaphysics For Beginners ni Christian D. Larson]
* [http://waysofseeing.net/ Ways of Seeing: A common sense exploration of modern metaphysics.]
 
[[Kaurian:Metapisika|*]]
[[mwl:Metafísica]]
[[nds:Metaphysik]]
[[new:मेताफिजिक्स]]
[[nl:Metafysica]]
[[nn:Metafysikk]]
68,728

edit