José Abad Santos: Pagkakaiba sa mga pagbabago

 
Si '''Jose Abad Santos''' ay ipinanganak noong [[Pebrero 19]], [[1886]] sa [[Lungsod ng San Fernando, Pampanga|San Fernando]], [[Pampanga]]. Siya ang ikapitong anak sa sampung mga anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang ama na naging ''juez de ganados'' ay namatay noong [[1892]] noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Pagkatapos ng isang taon si Jose ay naging estudyante ni Calixto Arevalo. Kumuha naman siya ng bagong guro na si Felix Dizon na gumagamit ng [[wikang Kastila]] sa pagtuturo.
 
==Kamatayan==
 
Nang umalis si [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulong]] [[Manuel Quezon]] patungong Estados Unidos noong [[Marso 17]], [[1942]], si Abad Santos ang naging representante sa Pilipinas. Nahuli siya noong Mayo 1942 at napatay ng mga [[Hapon]] sa Malabang, Lanao dahil sa pagtangging iaalay ang kanyang katapatan sa mga Hapon. Ang kanyang pagkakapatay ay naging inspirasyon sa mga [[Pilipino]].
 
==Sanggunian==
Hindi nakikilalang mga tagagamit