Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Emperador Hirohito"

m
robot dinagdag: yi:היראהיטא; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: fiu-vro:Hirohito)
m (robot dinagdag: yi:היראהיטא; Kosmetiko pagbabago)
Lumaki si Hirohito na mahiyain at seryosong bata. Noong Abril ng 1908 ipinasok siya sa [[Gakushuin]] na kung saang isang dosena lamang sila. Ang principal ng paaralan ay si Heneral [[Maresuke Nogi]], isang kilalang sundalo sa giyera sa pagitan ng Rusya at Japan noong 1904-05. Naging interesado si Nogi sa pagpapaaral sa batang prinsipe at sa panahong ito ipinakilala niya ang kahalagahan ng pagbabanat ng buto, pagtatangi sa bayan, at ang pagsasapuso ng [[istoysismo]] o ang kakayahan na ipasubali ang mga emosyon gaya ng sarap at kirot
 
Noong 1912 namatay si Emperador Meiji na nagbigay daan para maging Emperador ang kanyang amang si Yoshihito na kinalala bilang Emperador Showa. Sa panahong ito, naging masigasig ang pag-aaral ni Hirohito sa mga kasaysayang-likas. Sa ilalim ng kanyang maestro, nabuhay and kanyang pagkahumaling sa biyolohiyang pangkaragatan, isang sangay ng agham na kung saan kilala siyang isang dalubhasa.
 
Noong ika-4 ng Pebrero, 1918 naitakdang maikasal si Prinsipe Hirohito kay Prinsesa [[Nagako]], mas kilala bilang Emperatris [[Kojun]] anak ni Prinsipe [[Kuniyoshi Kuninomiya]]. Ikinasal sila noong ika-26 ng Enero, 1924. Nagkaroon sila ng limang anak na babae, at ang dalawa ang anak na lalake. Ang panganay sa anak na lalake ay si [[Akihito]] na ipinanganak noong Disyembre 1933.
 
Noong Marso 1921 habang Prinsipe pa lamang si Hirohiro, naglakbay siya Europa. Siya ang kauna-unahang prinsipeng tagapagmana sa Japan na nangibang-bayan. Nagpunta siya sa [[Pransya]], sa [[Netherlands]], [[Italya]] at [[Britanya]]. Ang malaking tumimo sa kanyang isipan ay noong siya ay nagpunta sa Britanya na kung saan nakita niya ang kalayaan at di maseremonyang pamumuhay ng mga pamilyang maharlika ng britanya.
 
Pag-uwi niya ng Japan, ibinigay kaagad sa kanya ang titulong [[regent]] (pansamantalang pinuno) noong ika-25 ng Nobyembre, 1921 dahil sa lumalang problema sa pag-iisip ng kanyang amang si Emperador Taisho. Dalawang taon makalipas na tanggapin niya ang titulong regent ay muntikan na siyang mapatay ng isang batang radikal.
Naluklok sa trono si Hirohito noong ika-25 ng Disyembre, 1926. Inangkin niya ang pangalang Showa ("Mapagpangaral na Kapayapaan") sa ilalim ng kanyang pamumuno dahil dito pormal siyang kinilala bilang Showa Tenno. Subalit kabaliktaran itong pangalan sa panahon ng panunungkulan ni Hirohito. Hindi pa nga nag-iinit ang kanyang kinauupan sa [[Tronong Krisantemo]], nasira na kaagad ang ugnayang panlabas ng Japan. Noong 1927, kahit walang basbas ni Emperador Hirohito, nagpasiklab ng kaguluha ang mga opisyal ng Hukbong Katihan ng Japan sa [[Manchuria]] at di kalaunan pa ay sinakop ang ilang mga bahagi nito. Di nagtagal pa nalaman na lang ni Hirohito na napasabak pa lalo ang mga hukbong Hapon sa [[Tsina]].
 
Ang insidente sa Manchuria ay nagdala ng panahon ng ligalig sa Japan. Naglunsad ng mga palpak na plano ang mga batang opisyal ng military para kubkubin ang gubyerno, pero naging matagumpay ang ilan sa kanila sa pagpatay ng mga taong may matataas na katungkulan sa bansa. Gusto nilang agawin ang gubyerno, pero naroon pa rin si Hirohito, siya ang ulo ng gubyerno pero ang kapangyarihan ay nasa poder ng mga military. Pero iba ang sa pananaw ni Hirohito dahil ang tingin niya sa sarili niya ay kabahagi ng estado at hindi isang pinuno ng isang gubyerno. Ang pinuno dapat ay nasa gubyerno at dapat ang mga taong ito ay hindi mapagmalabis at di mga utak-pulbura.
 
Sa pag-aalsa ng mga military noong ika-26 ng Pebrero, 1936, sinakop ng mga elemnto ng Unang Dibisyon ang malaking bahagi ng downtown Tokyo, at maraming mga opisyal ng gubyerno ang pinatay. Ipinag-utos kaagad ni Emperador Hirohito ang mabilis na pagtapos ng pag-aalsa at pagpaparasa sa mga kasabwat dito. Naapula ang pag-aalsa at ilang mga mataas na heneral na sangkot sa pag-uudyok sa mga rebelde ay agarang pinuwersang pinagretiro.
Hanggang sa kahulihulihang bahagi ng digmaan, at kahit binobomba na ng mga Amerikano ang Tokyo, hindi umalis si Hirohito sa Palasyong pang-imperyo. Ipinalikas lamang niya ang kanyang mga anak sa [[Nikko]]. Gusto niyang ipakita sa kanyang nasasakupan na karamay siya sa kanilang mga pasakit at paghihirap.
 
Noong tag-init ng 1945, klarado na talo na sa digmaan ang Japan. Subalit ang desisyon ng pagsuko ay hindi kaagad naganap. Nangyari lamang ito ng hulugan ng [[bomba atomika]] ang mga bayan ng [[Hiroshima]] at [[Nagasaki]]. Sa isang makasaysayang pagpupulong noong ika-9 ng Agosto, 1945, ipinahayag ni Hirohito ang kanyang pagsuko sa nagkakaisang kapangyarihan sa pangunguna ng Estados Unidos.
 
Pagkatapos ng pagsuko ng Japan noong Setyember 1945, maraming haka-haka kung si Emperador Hirohito ba ay hahatulan bilang isang kriminal ng digmaaan. Ganunpaman, parating ipinapahayag ni Emperador Hirohito ang kanyang kagustuhang bumaba sa trono bilang pagtanggap sa responsibilidad sa katatapos na digmaan. Pero maraming mga pinuno ng US kabilang na si [[Heneral Douglas MacArthur]] ay nagdesisyong mas mainam na panatilihin bilang pinuno ng Japan dahil masisilbi itong layunin sa pagpapanatili ng kapayaan sa ilalim ng pamumuno ng mga taga-Estados Unidos. Subalit noong Bagong Taon ng 1946, naglabas ng isang batas si Emperador Hirohito na itinatanggi na niya ang kanyang pagkatao bilang isang sagradong pinuno, at itinatakwil na niya ang mala-diyos niyang katayuan bilang supling ni Amaterasu, ang diyosa ng araw na nangangalaga sa bansang Japan.
 
Pagkatapos ng pagpapahayag na iyon, maraming gawain na isinalang na mga aktibidad para maging ‘normal’ na tao si Emperador Hirohito at lalo pa siyang mapalapit sa masa. Dahil isang dalubhasa si Emperador Hirohito sa mga biyolohiyang pandagat, kapag wala siyang gaanong pinagkakabalahang opisyal, nagsasaliksik at nagsusulat siya ng mga aklat tungkol dito.
[[vi:Hirohito]]
[[war:Hirohito]]
[[yi:היראהיטא]]
[[zh:昭和天皇]]
[[zh-min-nan:Syôwa Thian-hông]]
63,655

edit