Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Isis (diyosa)"

Paunang pagpapalawak ng aritkulo kol kay Isis. Patulong sa paghahanap ng sanggunian.
m (robot dinagdag: als, ar, arz, bg, bn, br, bs, ca, cs, cy, da, de, el, eo, es, et, eu, fa, fi, fr, fy, gl, he, hi, hr, is, it, ja, ka, ko, la, lt, lv, mk, nl, no, oc, pl, pt, ro, ru, scn, sh, simple, sk, sl, sr, sv, th, tr, uk, ur, vec, zh)
(Paunang pagpapalawak ng aritkulo kol kay Isis. Patulong sa paghahanap ng sanggunian.)
[[Talaksan:Isis E17495 mp3h9205.jpg|thumb|right|Istatuwa ni Isis.]]
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Isis''' (bigkas sa Ingles: /ay-sis/; at binabaybay din sa transliterasyon ng sinaunang [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asat''', '''Aset''', '''Eset''' o, sa dialektong Koptiko: '''Ēse''' o '''Ēsi''') ay isang diyosa ng mga sinaunang Ehipsyo at, sa paglipas ng panahon, ang kanyang pananampalataya ay lumaganap sa maraming bahagi ng Imperyong Griyego at Romano; kalimitang kinilala bilang isang mapagkalingang diyosa at ina. Siya ay naging patron ng mga ina at kababaihan, tagapag-alaga ng mga bata, kaibigan ng mga karaniwang mamamayan, mang-gagawa at mangangalakal, at mapagpatawad sa mga nagkakasala. Sa kabilang banda, siya rin ay itinuring bilang tagapagkalinga ng mga may-kapangyarihan at mga pinuno. Siya ang diyosa ng mga Reyna, ng Pagiging-Ina, Pertilidad na dulot na pagbaha ng [Ilog ng Nilo] at, ang pinaka-tanyag niyang gampanin, ng [[Salamangka]].
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Isis''' (bigkas sa Ingles: /ay-sis/) ay isang diyosa ng [[sinaunang Ehipto]]. Siya ang kapatid na babae at asawa ni [[Osiris]]. Nagkaroon sila ng anak na lalaking pinangalanang [[Horus]]. Nang tangkaing patayin ni [[Seth]] ang kanyang kapatid na si Osiris, muling binuhay ni Isis si Osiris sa pamamagitan ng kanyang [[salamangka]], ngunit para lamang sa isang gabi.
 
Hindi nating lubusang maintindihan ang tunay na pinagugatan ng kwento at pananampalatay ukol kay Isis. Ang unang beses na natala ang pangalan ni Isis sa kasaysayan ay noong Ikalimang Dinastiya ng Ehipsyo; kabilang sa mga talaan ay ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text) kung saan itinuturing si Isis bilang isang miyembro ng Ennead, isang group ng Siyam na mga diyos at diyosa na nakabases ang pananambapataya sa lumang lungsod ng [[Heliopolis, Ehipto]]. Kinalaunan lamang sa kasaysayan ng sinaunang Ehipsyo lubusang naging tanyag ang pagkakakilanlan ni Isis; nang nalagpasan niya sa katanyagan ang maraming mga diyos at diyosa ng Episyo, kabilang ang mga diyosang sina [[Hathor]] at [[Sopdet]]. Ang pag-angat ng kapangyarihan ni Isis ay isinama sa alamat kung saan nilinlang niya si [[Ra (diyos)|Ra]], pinaka-makapangyarihan at hari nga mga diyos ng Ehipto, upang malaman ni Isis ang lihim na pangalan ni Ra; kung kaya't napasa-kamay ni Isis ang maraming bahagi ng kapangyarihan ni Ra. Si Isis ay sadyang kinikilala at pinararangalan na nang buong sinaunang Ehipto - sa iba't ibang pagkakakilanlan at paraan - noon pang nagumpisa ang kasaysayan dito. Huli na nung [[Ika-talongpung Dinastiya ng Ehipto|Ika-talongpung Dinastiya]] (c. 380 - 343 BC) sa ilalim ni [[Nectanebo II]] (c. 360 - 343 BC) nang nagkaroon ng isang templo na sadyang nakadedika kay Isis.
 
Sa kasalukuya, kalimitang itinuturing si Isis bilang anak na babae nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak si Isis sa ikaapat na araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 ang bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa siya ni Osiris, ang panganay, at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] nang muling binuhay ni Isis si Osiris matapos mapasalang si Osiris ng kanyang kapatid sa pamamagitan ng kanyang salamangka, ngunit para lamang sa isang gabi. Ang mga luha ni Isis na dahilan ng pag-iyak niya sa kamatayan ni Osiris ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit taon-taunang bumabaha ang Ilog ng Nilo. Si Isis ay mayroong ring isang busong kapatid na babae na si [[Nephthys]] na naging kabalikat niya sa maraming mga kwento.
 
{{usbong|Ehipto|Mitolohiya}}
Anonymous user