Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Isis (diyosa)"

Pag-aayos ng Hyperlink
(Paunang pagpapalawak ng aritkulo kol kay Isis. Patulong sa paghahanap ng sanggunian.)
(Pag-aayos ng Hyperlink)
[[Talaksan:Isis E17495 mp3h9205.jpg|thumb|right|Istatuwa ni Isis.]]
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Isis''' (bigkas sa Ingles: /ay-sis/; at binabaybay din sa transliterasyon ng sinaunang [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asat''', '''Aset''', '''Eset''' o, sa dialektong Koptiko: '''Ēse''' o '''Ēsi''') ay isang diyosa ng mga sinaunang Ehipsyo at, sa paglipas ng panahon, ang kanyang pananampalataya ay lumaganap sa maraming bahagi ng Imperyong Griyego at Romano; kalimitang kinilala bilang isang mapagkalingang diyosa at ina. Siya ay naging patron ng mga ina at kababaihan, tagapag-alaga ng mga bata, kaibigan ng mga karaniwang mamamayan, mang-gagawa at mangangalakal, at mapagpatawad sa mga nagkakasala. Sa kabilang banda, siya rin ay itinuring bilang tagapagkalinga ng mga may-kapangyarihan at mga pinuno. Siya ang diyosa ng mga Reyna, ng Pagiging-Ina, Pertilidad na dulot na pagbaha ng [Ilog ng Nilo] at, ang pinaka-tanyag niyang gampanin, ng [[Salamangka (mahiya)|Salamangka]].
 
Hindi nating lubusang maintindihan ang tunay na pinagugatan ng kwento at pananampalatay ukol kay Isis. Ang unang beses na natala ang pangalan ni Isis sa kasaysayan ay noong Ikalimang Dinastiya ng Ehipsyo; kabilang sa mga talaan ay ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text) kung saan itinuturing si Isis bilang isang miyembro ng Ennead, isang group ng Siyam na mga diyos at diyosa na nakabases ang pananambapataya sa lumang lungsod ng [[Heliopolis, Ehipto]]. Kinalaunan lamang sa kasaysayan ng sinaunang Ehipsyo lubusang naging tanyag ang pagkakakilanlan ni Isis; nang nalagpasan niya sa katanyagan ang maraming mga diyos at diyosa ng Episyo, kabilang ang mga diyosang sina [[Hathor]] at [[Sopdet]]. Ang pag-angat ng kapangyarihan ni Isis ay isinama sa alamat kung saan nilinlang niya si [[Ra (diyos)|Ra]], pinaka-makapangyarihan at hari nga mga diyos ng Ehipto, upang malaman ni Isis ang lihim na pangalan ni Ra; kung kaya't napasa-kamay ni Isis ang maraming bahagi ng kapangyarihan ni Ra. Si Isis ay sadyang kinikilala at pinararangalan na nang buong sinaunang Ehipto - sa iba't ibang pagkakakilanlan at paraan - noon pang nagumpisa ang kasaysayan dito. Huli na nung [[Ika-talongpung Dinastiya ng Ehipto|Ika-talongpung Dinastiya]] (c. 380 - 343 BC) sa ilalim ni [[Nectanebo II]] (c. 360 - 343 BC) nang nagkaroon ng isang templo na sadyang nakadedika kay Isis.
Anonymous user