Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "MAX"

1 byte removed ,  14 years ago
walang buod ng pagbabago
Ang MAX ay kinabibilangan ng dating miyembro ng [[Super Monkey's]] na sina "Mina" (Minako Inoue), "Nana" (Nanako Takushi), "Reina" (Reina Miyauchi) at "Lina" (Ritsuko Matsuda). Nagsimula sila bilang "MAX" noong humiwalay si [[Namie Amuro]] sa grupo. Pinangalan silang "MAX" ng pangulo ng kompanyang [[avex]] na si MAX Matsuura. Ang mga pangalang "Mina", "Nana", "Reina" at "Lina" (mga pangalan na nagtatapos sa "...na") ay ginamit na "stage name" ng grupo noong sumikat na sila.
 
Nilabas ang una nilang plaka noong [[1995]] at ito ay pinamagatang "Koi suru [[Velfarre]] Dance". Hindi ito bumenta at tumigil pansamantala ang MAX sa pagkanta matapos nilang ilabas ang kanilang pangalawang plaka na "Seventies". Ngunit naging sikat sila noong ilabas nila ang pangatlo nilang plaka...ang "TORA TORA TORA". Matapos nito ay naglabas sila ng una nilang album...ang "MAXIMUM" na kinapapalooban ng mga salin na awit na may temang "Euro BeatEurobeat". Ito ay sinundan noong [[1997]] ng plakang "Give me a shake" na naging "no. 1" sa talaan ng musika na [[Oricon]].
 
Simula noong [[1996]] ay nakipagsapalaran ang grupong MAX sa larangan ng pag-arte. Gumanap sila sa isang pelikula na pinamagatang "Ladies MAX" at kinanta nila ang "theme song" ng pantelebisyong drama na "Sweet Devil" ng TV Asahi. Gumanap din sila sa telebisyon tulad ng "daiba:ba" ng Fuji TV at "Girls" ng Nippon TV.
Hindi nakikilalang mga tagagamit