Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Nicholas Sparks"

walang buod ng pagbabago
| website = http://www.nicholassparks.com
}}
Si '''Nicholas Sparks''' (ipinanganak noong [[Disyembre 31]], 1965) ay isang Amerikanong nobelista at manunulat na tanyag sa buong mundo. Nakapaglathala na siya ng labinlimang nobela at kabilang sa mga tema ng mga ito ay ang Kristiyanismo, pag-ibig, trahedya, at kapalaran. Anim sa mga nobelang ay isinapelikula na, kabilang ang "Message in a Bottle", "A Walk to Remember", "The Notebook", "Nights in Rodanthe", "Dear John" at "The Last Song" na ipinalabas noong Marso 31, 2010. Dalawa pa sa kanyang mga libro ang nakatakdang gawing pelikula; ang "True Believer" na inaasahang ilalabas sa 2011 at ang "The Lucky One" na inaasahan namang ilalabas sa 2012. Noong Pebrero 17, 2010 ay sinimulan ni Sparks na isulat ang kanyang ikalabing-anim na nobela at tinatayang mailalathala ito sa taglagas ng 2010.<ref>http://www.sfgate.com/cgi-bin/article.cgi?f=/n/a/2010/03/30/entertainment/e032048D99.DTL</ref>
 
==Maagang buhay==
Si Nicholas Sparks ay isinilang noong [[Disyembre 31]], 1965 sa [[Omaha]], [[Nebraska]] kina Patrick Michael Sparks, isang propesor, at sa kanyang maybahay na si Jill Emma Marie Sparks. Siya ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Si Michael Earl "Micah" Sparks ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at si Danielle "Dana" Sparks (1966-2000) naman ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Si Dana ay yumao sa edad na 33 at ayon kay Sparks, siya ang inspirasyon para sa pangunahing tauhan sa kanyang nobelang A Walk to Remember.
 
Si Sparks ay pinalaking isang [[Romano Katoliko]]<ref>{{cite web|url=http://www.themiscellany.org/index.php/news-archives/75-1999/982-author-nicholas-sparks-remembers-his-catholic-roots |title=Author Nicholas Sparks remembers his Catholic roots |publisher=Catholic-doc.org |date=1999-11-04 |accessdate=2009-08-09}}</ref> at may mga ninunong [[Aleman]], [[Tseko]], [[Ingles]] at [[Irlandes]].<ref>{{cite web|url=http://www.nicholassparks.com/ShortBio.html |title=Formal Biography |publisher=Nicholas Sparks |date=1965-12-31 |accessdate=2009-08-09}}</ref>
 
Ang kanyang ama ay nag-aaral pa noon, dahilan upang ang kanilang pamilya ay madalas na magpalipat-lipat ng tirahan. Sa edad na walo ay nakatira na siya sa [[Minnesota]], [[Los Angeles]] at [[Grand Island]], [[Nebraska]]. Noong 1974, ang kaniyang pamilya ay tumigil sa Fair Oaks, California at nanatili roon hanggang matapos ni Nicholas ang kanyang mataas na paaralan. Nagtapos siya bilang ''valedictorian'' sa Bella Vista High School at pagkatapos, siya ay pumasok sa Unibersidad ng Notre Dame at doo'y tumanggap nga buong iskolarsyip sa paglalaro ng ''track and field''. Nagtapos siya ng kolehiyo noong 1988. Noon din niya nakilala ang kaniyang mapapangasawang si Cathy Cote mula sa [[New Hampshire]], habang sila ay nagbabakasyon para sa tagsibol. Sila ay nagpakasal noong 1989 at tumira sa [[Sacramento]], [[California]].
 
==Mga nobelang nalathala==