Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Dakilang Awa ng Diyos"

walang buod ng pagbabago
m
[[Image:Divine Mercy (Adolf Hyla painting)2007-08-16.jpg|thumb|Ang imahen ng Dakilang Awa ng Diyos na ipininta ni Adolf Hyla. Ang ibig sabihin ng nakasulat sa [[Wikang Polako|wikang Polako]] ay '''"O Hesus, ako ay nananalig sa Iyo."''']]

Ang '''Dakilang Awa ng Diyos''' o '''Banal na Awa''' ([[Ingles]]: ''Divine Mercy'') ay isang debosyong [[Katoliko Romano]] na nakatutok sa awa ng Diyos at ang kanyang kapangyarihan, lalo na bilang isang paraan ng pagpapasalamat at pagtitiwala sa awa ng Diyos.

Ang debosyon bilang kilala ngayon ay maaaring maintada sa [[madre|madreng]] [[Polako]] at [[santa]] na si [[Maria Faustina Kowalska|Sister Maria Faustyna Kowalska]], na kilala bilang ang "Alagad ng awa", na nabuhay noong [[1905]] hanggang [[1938]]<ref>Ikinumpirma ni Papa Juan Pablo II, sa kanyang [[ensikliko]] noong Nobyembre 30, 1980 na pinamagatang [[Dives in Misericordia]].</ref>. Ito ay batay sa isang taludtod sa [[Bibliya]]: ''Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.''<ref>Mateo 7:7, Bagong [[Magandang Balita Biblia]]</ref> na sa kahit sino na naghahanap ng awa ng Diyos ay hindi makalayo. Ayon kay Kowalska, si [[Jesus]], sa mga panloob na pananalita sa kanya, kanyang hiniling na ikomisyon ng isang larawan ng kanya na may salitang ''Jezu Ufam Tobie'' (Jesus, ako ay nananalig sa Iyo) na nakalagay sa ibaba.

Noong [[2000]], opisyal na itinatag ni [[Pope John Paul II|Santo Papa Juan Pablo II]] ang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos sa lahat ng dako para sa [[Simbahang Katoliko]] sa parehong araw na inilista rin niya sa mga santo si Sta. Faustina.

Ang Banal na Awa ng Diyos ay kinikilala rin at ipinagdiriwang ng [[Iglesya Universal Anglikano]]. Ang UAC ay inangkop ang koronang bulaklak at ang rosaryo.<ref>[http://www.divinemercysociety.org Divine Mercy Society]</ref>

==Mga Dasal sa Dakilang Awa ng Diyos==

===Ang Koronang Bulaklak ng Dakilang Awa===
Kahit na ang pinagmulan ng mga koronang bulaklak at paggamit nito ng rosaryo ay Katoliko sa kalikasan, ang mga koronang bulaklak ng Dakilang Awa ay maaaring sinabi ng mga di-Romano Katoliko rin. Sa katunayan, ginamit ang rosaryo upang sabihin ang panalanging ito sa mga sumusunod na paraan:

†Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

''Sa umpisa, dasalin ang:''

Isang Ama Namin...

Isang Aba Ginoong Maria...

Isang Sumasampalataya...

''Sa bawat malalaking butil ([[Ama Namin]])sa bawat dekada:''

P: Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Jesu-kristo, na aming Panginoon at Manunubos,

B: para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob.

''Sa sampung maliliit na butil ([[Aba Ginoong Maria]]) sa bawat dekada:''

P: Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Jesus,

B: kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

''Bilang pangwakas:''

B: Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) AMEN.

P: O Jesus, Hari ng Awa,

B: ako ay nananalig sa Iyo!

†Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

<ref>[http://divinemercyshrine-ph.com/ National Shrine of the Divine Mercy Philippines]</ref>

===Panalangin sa Ikatlo ng Hapon===
Maaari itong dasalin sa ikatlo ng hapon. Ito ang oras ng pagkamatay ni Jesus.

''Pumanaw Ka, Jesus, subalit and Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.''

''O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong Sarili para sa aming lahat.''

''O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Jesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo.''

''Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob.'' (3x) ''AMEN.''

''O Jesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!''

<ref>[http://divinemercyshrine-ph.com/ National Shrine of the Divine Mercy Philippines]</ref>

==Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos==
Ang '''Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos''' ay tumatapat sa ikalawang [[Linggo]] ng [[Pasko ng Pagkabuhay]]. Itinalaga ito noong [[Abril 30]], [[2000]] nang gawing santa si Sta. Faustina.
==Tingnan din==
* [[Banal na Awa (larawan)]]
* [[Maria Faustina Kowalska]]

==Mga sanggunian==
{{reflist}}

==Mga kawing panlabas==
*[http://divinemercyshrine-ph.com/ National Shrine of the Divine Mercy Philippines]

[[Kaurian:Katolisismo]]