Kashrut: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Pare Mo (usapan | ambag)
Pare Mo (usapan | ambag)
mNo edit summary
Linya 1:
Ang '''kashrut''' ([[Wikang Ebreo|Ebreo]]: כשרות) ang mga [[Halakha|batas]] pampagkain sa [[Hudaismo]]. Ang ilang mga pagkain, kasama ang [[baboy]] at [[marisko]], ay ipinagbabawal; hindi maaaring ipagsama ang karne at lakteo tulad ng gatas o keso (na maihahambing sa pagbawal ng [[Lutuing Italyano|tradisyong Italyano]] sa pagsabay ng ''[[cappuccino]]'', na nagtataglay ng gatas, at [[pananghalian]], na nagtataglay ng karne, sapagkat nakasasagabal ito sa [[panunaw]]);<ref>http://www.jewfaq.org/kashrut.htm</ref><ref>http://www.italyinsf.com/2008/03/27/cappuccino-etiquette/</ref><ref>http://www.accentintl.com/brochures/Spring2007.pdf</ref> at ang [[Sheḥita|pagkatay ng karne alinsunod sa ritwal]] at ang pag-aasin nito upang maalis ang dugo at walang matirang bakas nito. Ginagamit ang [[alak]] at [[tinapay]] tuwing [[Shabat]] at iba pang mga banal na araw. Sari-sari ang mga uri ng lutuing Hudyo sa buong daigdig buhat ng paggamit ng mga lokal na kasangkapan, at malaki ang impluwensyang naibahagi rito ng mga lokal na [[gastronomiya]].
 
==Mga pinagkaibang pampook sa lutuin==
Ang mabigat na lutuin ng mga Hudyong Askenasi ay nabatay sa daan-daang taong paninirahan sa malamig na klima ng gitna, silangan, at hilagang [[Yuropa]], habang ang mas magaan na lutuin ng mga Hudyong Separdi ay nabatay sa buhay sa rehyong [[Dagat Mediteraneo|Mediteraneo]].
 
Nagtataglay ang bawat uri ng lutuing Hudyo ng sari-sarili nilang mga tradisyonal na ulam, madalas sumesentro sa mga pinagdalubhasaan o ispesyalidad mula sa kanilang inang bayan. Sa [[Ispanya]] at [[Portugal]], isang madalas na kasangkapan ang mga [[oliba]] at maraming ulam ang pinrito sa [[mantika ng oliba]]. Ang istereotipikong [[Lutuing Britaniko|Inggles]] na ''[[fish and chips]]'', halimbawa, ay dinala sa [[Ingglatera]] ng mga inmigrante na Hudyong Separdi.<ref>http://observer.guardian.co.uk/foodmonthly/story/0,,877008,00.html</ref> Sa [[Alemanya]], popular ang mga [[nilaga]]. Nagdalubhasa ang mga [[Kasaysayan ng mga Hudyo sa Olanda|Olandes na Hudyo]] sa mga [[atsara]], [[tunsoy]], ''butter cake'' o keyk ng [[mantekilya]], at bola (mga bolyo ng [[mermelada]]). Sa [[Polonya]], gumawa ang mga Hudyo ng mga sabaw ng [[Luglog (sangkap)|luglog]] o [[bola-bolang]] [[matsa]] at iba't ibang uri ng pinalamanan at nilagang isda. Sa hilagang [[Aprika]], kumain ang mga Hudyo ng [[kuskus]] at ''[[tagine]]''.
 
Samakatuwid, ang isang tradisyonal na ulam pan-Shabat para sa mga Askenasi ay maaaring ihain ang inihaw na baka, ''pot roast'', o manok; at ''[[tsimes]]'' ng karot at patatas. Sa kabila naman, ang isang tradisyonal na ulam pan-Shabat para sa mga Separdi ay magsesentro sa mga ensalada, pinalamanang mga dahon ng baging, kuskus, at iba pang mga pinagdalubhasaang [[Lutuing Mediteraneo|Mediteraneo]].
 
==Mga sanggunian==
{{talasanggunian}}
*''“The Sephardic kitchen"'', Rabbi Robert Sternberg, Ed. Zendrera Zariquiey, 1998
*''“My prescriptions of the Sephardic kitchen”'', Mimí Abecasis de Castiel, Ed. Area of Culture of the City council of Malaga. 2002
*''“Recipe book of the Sephardic kitchen”''. Ed Red Juderías (2001)
*''“The pleasures of my Jewish kitchen in the Sephardic tradition”'', Rivka Cohen, ed. Parsifal
*''“The Sephardic kitchen: the cultural wealth of the healthful kitchen of the Mediterranean Jews”'', Robert Sternberg, prologue of Luis Bassat and translation Elena Gaminde. Barcelona: Zendrera Zariquiey. 2004
*''“Sephardic Flavors”'', Goldstein, Joyce.
*''“The Jewish kitchen. Sephardi laws, customs… and some prescriptions”'', Uriel Macías Kapón.
 
[[Kaurian:Halakha]]