Bigkas: Pagkakaiba sa mga pagbabago

1,764 bytes added ,  12 year ago
(bago)
 
Ang '''pagbigkas''' o '''bigkas''', kilala rin bilang '''pagsasatinig''', '''pagsasabi''', '''pronunsasyon''' o '''pronunsiyasyon''',<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Pronunciation''}}</ref> '''badya'''<ref name=Bansa>{{cite-Bansa|''Pronunciation'', badya, bigkas}}</ref> o '''pagbabadya''', ay ang paraan ng binabanggit o sinasalita ang isang salita o wika, o ang kaparaanan kung paano namumutawi ng isang salita ang isang tao. Kapag sinabing ang isang tao ay may "tamang pagbigkas", sa gayon tumutukoy ito kapwa sa loob ng isang tiyak na [[diyalekto]].
 
Ang isang salita ay maaaring wikain ng sari-saring mga indibidwal o mga pangkat sa iba't ibang mga paraan, depende sa maraming mga bagay-bagay, katulad ng: ang lugar na pinagkalakihan nila, ang pook na kinatitirahan nila sa ngayon, kung mayroon silang kapansanan sa pagsasalita o kapinsalaan sa tinig,<ref>{{cite book | author=Beech, John R.; Harding, Leonora; Hilton-Jones, Diana | title=Assessment in speech and language therapy | year=1993 | publisher=CUP Archive | isbn=0415078822 | page=55 }}</ref> kanilang [[pangkat-etniko]], kanilang antas sa lipunan, o kanilang [[edukasyon]].<ref>{{cite book | title=Sociolinguistics: the essential readings | editor=Paulston, Christina Bratt; Tucker, G. Richard | publisher=Wiley-Blackwell | year=2003 | isbn=0631227172 | chapter=Some Sociolinguistic Principles
| author=Labov, William | pages=234&ndash;250 }}</ref>
 
== Terminolohiyang lingguwistiko ==
 
Ang mga pantig (kataga) o silaba ay binibilang bilang mga yunit ng tunog (mga ''pono'' sa [[ponetika]]) na ginagamit nila sa kanilang wika. Ponetika ang tawag sa sangay ng [[lingguwistika]] nag-aaral ng ganitong mga yunit ng tunog. Pinagsasama-sama ang mga pono (''phone'' sa Ingles) bilang mga klaseng katulad ng mga [[ponemo]] o [[ponema]], ang pinakamaiigsing mga yunit ng tunog ng salita. Tinatawag na [[ponolohiya]], [[ponemiks]] (ponemika, ponemika), o [[ponematiks]] (ponematiko, ponematika) ang pag-aaral ng mga ponemo. Bilang mga bahagi ng '''artikulasyon''' o pagbigkas, ang mga pono ay karaniwang nilalarawan na ginagamit ang [[Internasyunal na Ponetikong Alpabeto]] (IPA).<ref>{{cite book | author=Schultz, Tanja; Kirchhoff, Katrin | year=2008 | title=Multilingual speech processing | page=12 | publisher=Academic Press | isbn=0120885018 }}</ref>
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits