Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Musikang klasiko"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
Ang musikang klasiko ay isang musikang pangsining na ginawa sa loob, o naka-ugat sa loob, ng mga tradisyon o kaugalian ng Kanluraning musikang liturhikal at sekular (pampananampalataya), na sumasaklaw sa malawak na panahon magmula tinatayang ika-9 daang taon magpahanggang sa kasalukuyang panahon.<ref name="Music 2007">"Classical", ''The Oxford Concise Dictionary of Music'', ed. Michael Kennedy, (Oxford, 2007), ''Oxford Reference Online'', napuntahan noong 23 Hulyo 2007</ref> Ang panggitnang mga gawi ng tradisyong ito ay naging panuntunan sa pagitan ng 1550 at 1900, na kilala bilang "panahon ng pangkaraniwang pagsasagawa".
 
Malaki ang pagkakaiba ng musikang Europeo mula sa marami pang ibang hindi Europeo at mga anyo ng musikang tanyag dahil sa sistema nito ng notasyong pangmusika o tagdan ng notasyon (''staff notation'' sa Ingles), na ginagamit na magmula bandang ika-16 daang taon.<ref>{{GroveOnline|''Notation, §III, 1(vi): Plainchant: Pitch-specific notations, 13th–16th centuries''|Chew, Geffrey & Rastall, Richard|Hulyo 23|2007}}</ref> Ginamit ng mga kompositor ang Kanluraning tagdang pangnotasyon upang maitakda sa tagapagtanghal ang lakas, bilis, metro, mga ritmo, at tumpak na pagsasagawa ng isang piyesa ng tugtugin. Nakapag-iiwan ito ng kaunting puwang para sa mga gawain ng pagtugtog na may walang paghahanda at pagtugtog ng kahit na papaano ayon sa kagustuhan (''ad libitum'', "pag-aadlib"), na kadalasang naririnig sa hindi Europeong musikang pangsining (paghambingin ang [[klasikong tugtugin ng Indiya]] at [[tradisyunal na musika ng Hapon]]) at musikang popular.<ref>{{GroveOnline|Japan, §III, 1: Notation systems: Introduction|Malm, W.P./Hughes, David W.|Hulyo 23|2007}}</ref><ref>{{GroveOnline|Notation, §I: General|IAN D. BENT, DAVID W. HUGHES, ROBERT C. PROVINE, RICHARD RASTALL, ANNE KILMER|Hulyo 23|2007}}</ref><ref>{{GroveOnline|Popular music, §I, 4: Europe & North America: Genre, form, style|Middleton, Richard|Hulyo 23|2007}}</ref>
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits