Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Asya"

m (Inalis ang binago ni 125.60.225.162, ibinalik sa huling bersyon ni Nickrds09)
 
Sa timog Mesopotamya ay ang mga inaanod na kapatagan ng [[Sumer]] at [[Elam]]. Dahil diyan ang maliliit na patak ng ulan sa sistema ng [[patubig]] ay kinakailangan. Ang [[Ubaid panahon|kulturang Ubaid]] ay lumaganap noong 5500 BC.
 
===Panahon ng Bronse===
Ang Panahong Calcolitico (Chalcolithic) ay nagsimula noong 4500 BC. Pagkatapos, nagsimula ang [[Panahon ng Tansong Pula]] noong 3500 BC, at pinalitan ang mga kulturang Neolitiko.
Ang Tsina at Vietnam ay sentro rin ng paggawaang-metal. Noon pa mang Panahong Neolitiko, ang unang mga bronseng dram, na tinatawag na ''Dong Son Drums'' ay nahukay sa paligid ng rehiyon ng Red River Delta sa Biyetnam at Timog Tsina. Iniuugnay ito sa sinaunang-panahong kulturang Dong Son ng Biyetnam.
 
Sa Ban Chiang, Taylandiya (Timog-silangang Asya), ang mga artipaktong tanso ay natuklasan noong 2100 BC.
 
Sa Nyaunggan, Burma, ang mga kagamitang tanso ay nahukay kasama ng mga artepaktong seramika at bato. Ang pagpepetsa ay kasalukuyang malawak pa rin (3500-500 BC).
 
===Panahon ng Bakal===
Ang [[Imperyong Achaemenid|dinastiyang Achaemenid]] ng [[Imperyo ng Persia]], na itinatag ni [[Cyrus the Great|Haring Cirong Dakila]] (Cyrus), ay naghari sa [[Gresya]] at [[Turkiya]] sa [[Ilog Indus]] at [[Gitnang Asya]] noong ikaanim hanggang ikaapat na siglo BC. Sinakop ito ni [[Alexander ang Great|Alejandrong Dakila]] (Alexander) noong [[ikaapat na siglo BC]]. Ang [[Imperyong Romano]] ay mamamahala sa bahagi ng Kanlurang Asya. Ang mga dinastiyang [[Seleucid|Seleucido]] (Seleucid), [[Imperyong Partian|Partian]] at [[Sassanian]] ng Persiya ay namayani sa Kanlurang Asya sa maraming siglo. Maraming mga sinaunang sibilisasyon ay naaapektuhan sa pamamagitan ng [[Silk Road|Daang Seda]], na iniuugnay ang Tsina, Indya, Gitnang Silangan, at Europa. Ang relihiyon ng [[Hinduismo]] at [[Budismo]], na nagsimula sa Indya, ay isang mahalagang impluwensiya sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
 
===Gitnang Panahon===
Ang mga [[Caliphate|Kalipang]] Islamiko at iba pang [[estadong Muslim]] ay kinuha ang [[Gitnang Silangan]], [[Kukasus|Caucasus]] at [[Gitnang Asya]] sa panahon ng [[pananakop ng Muslim]] noong ikapitong siglo, at pinalawak na sa [[subkontinenteng Indian]] at [[kapuluan ng Malay]]. Ang [[Imperyong Monggol]] ay sumakop sa isang malaking bahagi ng Asya noong [[ikalabintatlong siglo]], at pinalawak mula sa Tsina hanggang sa Europa.
 
 
 
Hindi si [[Marco Polo]] ang unang taga-kanluran na naglakbay sa Silangan at bumalik na may kamangha-manghang mga kuwento ng mga iba't-ibang kultura nito, ngunit ang kanyang mga ulat na inilathala sa huling bahagi ng ika-13 at unang bahagi ng ika-14 siglo ay ang kauna-unahang malawak na babasahin sa buong Europa.
 
Dinaig ng Medyebal Asya ang Kanluran sa pagbuo ng digma, komunikasyon at agham. Ang pulbura ay malawak na ginamit mula pa noong ika-11 siglo at sila ay gumagamit ng naigagalaw na uri ng paglilimbag limang daang taon bago ginawa ni Gutenberg ang kanyang palimbagan. Ang Budismo, [[Taoismo]], at [[Confucianismo]] ay ang nangingibabaw na mga pilosopiya ng Malayong Silangan sa panahon ng Gitnang Panahon.
 
==Talababa==