Buksan ang pangunahing menu

Changes

dagdag
Ang '''biyolohiya ng selula''' o '''biyolohiyang pangselula''', kilala rin bilang '''biyolohiya ng sihay''' o '''biyolohiyang pangsihay''', ay ang pag-aaral ng kung paano gumagana o gumagawa ang buhay na mga [[selula]]. Kabilang dito ang [[kayarian]] at [[tungkulin]] ng mga [[organel]] ng selula, at mga [[molekula]]ng may batayang [[karbon]] na produkto ng mga selula. Ang pinakamahalagang mga molekula ay ang [[DNA]], [[RNA]] at mga [[protina]].<ref>Gall JG & McIntosh JR eds 2001. ''Landmark papers in cell biology''. Bethesda, MD at Cold Spring Harbor, NY: The American Society for Cell Biology and Cold Spring Harbor Laboratory Press.</ref>
 
Ang pinaka mahahalagang mga istruktura sa loob ng selula ay ang [[nukleyus]] at mga [[kromosoma]], ngunit may marami pang iba. Ang kayarian ng [[eukaryotiko]]ng mga selula ay mas masalimuot kaysa [[prokaryotiko]]ng mga selula. Ito ay dahil sa naganap ang [[endosimbiyosis]]: ilan o lahat ng mga organel na eukaryota ay dating mga prokaryota. Mga halimbawa nito ang [[mitokondriya]] at mga [[plastid]].<ref>Alberts B, Johnson A. Lewis J. Raff M. Roberts K. Walter P. 2008. ''Molecular biology of the cell'', ika-5 ed. Garland.</ref><ref>Lodish H. Berk A. Matsudaira P. Kaiser CA. Krieger M. Scott MP. Zipurksy SL. Darnell J. 2004. ''Molecular cell biology'', ika-5 ed. WH Freeman: NY. </ref>
166,389

edits