Timog Korea: Pagkakaiba sa mga pagbabago

Wrong file.
(Wrong file.)
Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang [[Gojoseon]] ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333 [[BCE]] ni [[Dangun]].<ref>[http://www.asianinfo.org/asianinfo/korea/history.htm Kasaysayan ng Korea (Ko-Choson, Ang Tatlong Kaharian, Kaharian ng Parhae, Pinag-isang Shilla, Dinastiyang Koryo, Panahong Kolonyal, Pakikipaglaban sa Kalayaan, Pamahalaang Probisyunal ng Korea, Hukbong Sandatahng Pangkalayaan, Republika ng Korea,)<!-- Bot generated title -->]</ref> Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng [[Manchuria]]. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong [[Dinastiyang Han]], ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng [[Tatlong Kaharian ng Korea]].
 
[[Talaksan:MapThree Kingdoms of GoguryeoKorea Map.jpgpng|thumb|right|220px|Ang mapa ng [[Tatlong Kaharian ng Korea]] noong huling bahagi ng ika-5 dantaon.]]
 
Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, ang [[Kaharian ng Buyeo]], [[Okjeo]], [[Dongye]], at ang konpederasyon ng [[Samhan]] ay ang mga sumasakop sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na mga estado nito, ang [[Goguryeo]], [[Baekje]], at ang [[Silla]] ang lumago at kumontrol sa tangway bilang [[Tatlong Kaharian ng Korea]]. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa pamamagitan ng [[Pinag-isang Silla]] noong 676 ang nagpasimula ng Panahong Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado ng [[Pinag-isang Silla]], samantalang ang [[Balhae]] ang sumakop sa hilagang bahagi ng Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa mga panloob na kaguluhan, at sumuko sa [[Goryeo]] noong 935. Ang [[Balhae]], Ang kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.
9

edits