Klasikong mekanika: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag) dagdag |
AnakngAraw (usapan | ambag) dagdag |
||
Linya 3:
Ginagamit ang klasikong mekaniks para sa paglalarawan ng galaw o kilos ng mga bagay na [[makroskopiko]], mula sa mga [[prohektil]] hanggang sa mga bahagi ng [[makinarya]], pati na mga [[bagay na astronomikal]], katulad ng [[sasakyang pangkalawakan]], mga [[planeta]], mga [[bituin]], at mga [[galaksiya]]. Gumagawa ito ng napakatumpak na mga resulta sa loob ng mga dominyo o nasasakupang ito, at isa sa pinakamatanda at pinakamalaking mga paksa sa [[agham]], [[inhinyeriya]], at [[teknolohiya]]. Bukod pa rito, maraming mga kaugnay na mga espesyalidad ang umiiral na nakatuon sa mga [[gas]], mga [[likido]], at mga [[solido]], at iba pa. Bilang karagdagan, pinaiinam ang klasikal na mekaniks ng [[natatanging relatibidad]] para sa mga bagay na may matataas na [[belosidad]] na umaabot na sa [[tulin ng liwanag]]. Ginagamit ang [[heneral na relatibidad]] o [[pangkalahatang relatibidad]] upang mapanghawakan ang [[grabitasyon]] sa mas malalim na antas, at bilang panghuli, pinanghahawakan ng [[kuwantum mekaniks]] ang [[duwalidad ng alon-partikulo]] ([[kadalawahan ng alon-partikulo|kadalawahan]] o pagiging dalawa ng alon-partikulo) ng mga [[atomo]] at mga [[molekula]].
Ang termino o katawagang ''klasikong mekaniks'' ay naimbento noong kaagahan ng ika-20 daantaon upang ilarawan ang sistema ng [[pisikang matematiko]] o [[pisikang matematikal]] na sinimulan ni [[Isaac Newton]] at maraming mga [[pilosopong natural]] noong kontemporaryong ika-17 daantaon, na nagtatatag mula sa mas maaaga pang mga teoriyang astronomikal ni [[Johannes Kepler]], na ibinatay naman sa tumpak na mga pagmamasid o mga obserbasyon ni [[Tycho Brahe]] at mga pag-aaral ng terestriyal na [[mosyong pamprohektil]] ni [[Galileo Galilei]], subalit bago sumpamit ang pag-unlad ng [[pisikang kuwantum]] at [[relatibidad]]. Kung gayon, ilan sa mga pinagmulan o pinagkunan ang hindi nagsasama ng [[mekaniks ni Einstein]] ([[teoriya ng relatibidad]]), na sa kanilang pananaw ay kumakatawan sa ''klasikong mekaniks'' sa pinakamaunlad at pinakatumpak nitong anyo.
<!------▼
The initial stage in the development of classical mechanics is often referred to as [[Newtonian mechanics]], and is associated with the physical concepts employed by and the mathematical methods invented by [[Isaac Newton|Newton]] himself, in parallel with [[Gottfried Wilhelm von Leibniz|Leibniz]], and others. This is further described in the following sections. More abstract and general methods include [[Lagrangian mechanics]] and [[Hamiltonian mechanics]]. Much of the content of classical mechanics was created in the 18th and 19th centuries and extends considerably beyond (particularly in its use of analytical mathematics) the work of [[Isaac Newton|Newton]].
|