Klasikong mekanika: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag) dagdag |
AnakngAraw (usapan | ambag) dagdag |
||
Linya 5:
Ang termino o katawagang ''klasikong mekaniks'' ay naimbento noong kaagahan ng ika-20 daantaon upang ilarawan ang sistema ng [[pisikang matematiko]] o [[pisikang matematikal]] na sinimulan ni [[Isaac Newton]] at maraming mga [[pilosopong natural]] noong kontemporaryong ika-17 daantaon, na nagtatatag mula sa mas maaaga pang mga teoriyang astronomikal ni [[Johannes Kepler]], na ibinatay naman sa tumpak na mga pagmamasid o mga obserbasyon ni [[Tycho Brahe]] at mga pag-aaral ng terestriyal na [[mosyong pamprohektil]] ni [[Galileo Galilei]], subalit bago sumpamit ang pag-unlad ng [[pisikang kuwantum]] at [[relatibidad]]. Kung gayon, ilan sa mga pinagmulan o pinagkunan ang hindi nagsasama ng [[mekaniks ni Einstein]] ([[teoriya ng relatibidad]]), na sa kanilang pananaw ay kumakatawan sa ''klasikong mekaniks'' sa pinakamaunlad at pinakatumpak nitong anyo.
Ang unang yugto sa pag-unlad ng klasikong mekaniks ay kadalasang tinutukoy bilang [[Newtonyanong mekaniks]], at may kaugnayan sa mga konseptong pisikal na ginagamit ni Isaac Newton pati na ang mga metodong siya mismo ang umimbento, na kaagapay ni [[Gottfried Wilhelm von Leibniz]], at iba pa. Kabilang sa mas abstrakto at mapangkalahatang mga metodo ang [[Lagrangianong mekaniks]] at ang [[Hamiltonyanong mekaniks]]. Ang karamihan sa nilalaman ng klasikong mekaniks ay nilikha noong ika-18 at ika-19 mga daantaon at malakihang lumalampas sa mga gawain ni Newton, partikular na sa gamit nito sa [[matematikang analitiko]].
{{usbong|Pisika}}
|