Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lohika"

m (robot dinagdag: zh-min-nan:Lô-chek)
Sa tradisyon, pinag-aaralan ang lohika bilang isang sangay ng [[pilosopiya]]. Simula noong kalagitnaan ng [[dekada ng 1800]] karaniwang pinag-aaralan ang lohika sa [[matematika]], at, mas kamakailan lamang, sa [[agham pangkompyuter]]. Bilang isang [[agham]], sinisiyasat at inuuri ng lohika ang mga kayarian ng mga pangungusap at pagpapalitan ng mga palagay at gumagawa ng balangkas (schemata) na kung saan [[kodipikasyon|ginagawang kodigo]] ito. Kung gayon, maaaring malawak ang sakop ng lohika, kasama ang espesyal na pag-aaral ng pangangatwiran tungkol sa "maaaring totoo", [[probabilidad]], at [[kasanhian]] (causality). Pinag-aaralan din sa lohika ang mga kayarian ng mga [[di-totoong pahayag|di-makatotohanang argumento]] at mga [[paradoha]].
 
== Kalikasan ng lohikalohikoloko ==
Dahil sa mahalagang gampanin nito sa pilosopiya, matindi ang pagtatalo tungkol sa kalikasan ng lohika, at mahirap maglagay ng mga tiyak na tanda sa nasasakupan ng lohika na magiging katanggap-tanggap sa pananaw ng mga magkakatunggali. Gayunpaman, may matibay na sandigan at malinaw na direksyon ang pag-aaral ng lohika sa kabila ng mga pagtatalo. Maaari nating ilarawan ang lohika sa limang paraan. Una, tatalakayin natin ang mga pangunahing kaisipan tungkol sa anyo nito, Ikalawa, ihahanay natin sa isang balangkas ang iba-ibang samahan ng palaisip sa lohika. Pangatlo, iuulat natin ang pinaigsing kasaysayan nito. Pang-apat, ipapakita natin ang kaugnayan nito sa iba pang mga agham. Pang-lima at pang-huli, ipapaliwanag natin ang mga mahahalagang kaisipan sa lohika.
 
Hindi nakikilalang mga tagagamit