Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Kongkistang Normando"

walang buod ng pagbabago
Ang '''Kongkistang Normando ng Inglatera''' (Ingles: ''Norman Conquest of England'') ay nagsimula noong Setyembre 28, 1066 sa pagsalakay sa [[Inglatera]] ni Guillermo, [[Duke ng Normandia]], na siyang nakilala bilang [[Guillermong Kongkistador]] pagkatapos ng kaniyang tagumpay sa [[Labanan ng Hastings]] noong Oktubre 14, 1066, na siyang tumalo sa hari doon noon na si [[Harold II]] ng Inglatera. Ang hukbo ni Haroldo ay lubos na nabawasan matapos ang tagumpay nilang mga Ingles sa [[Labanan ng Stamford Bridge]] sa Hilagang Inglatera noong Setyembre 25, 1066 laban sa hukbo ni Haring Harald III ng [[Norwega]]. Pagsapit ng taong 1071, si Guillermo ay nakapagpatibay ng kaniyang pamamahala sa malaking bahagi ng Inglatera,<ref>Bates, ''William the Conqueror''.</ref> sa kabila ng mga paghihimagsik at pagtututol na nagpatuloy hanggang sa taong 1088.
 
Ang Kongkistang Normando ay isang makabuluhang pangyayari sa kasaysayang Ingles. Inalis nito halos ang katutubong kamaharlikaan at pinalitan ito ng dayuhang nagpa-[[Pranses]] na monarkiya, aristokrasya at mga klero.<ref>Higham, "''Death of Anglo-Saxon England"''.</ref> Ito, sa huli, ang naging sanhi ng pagbabago ng [[wikang Ingles]] at ng kultura ng Inglatera sa loob ng panahong tinaguriang "Inglaterang NormandaNormando" (''Norman England'').
 
==Talasanggunian==
1,047

edit