Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

No change in size ,  9 years ago
m (r2.5.1) (robot tinanggal: fj:Filipinas)
Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal na [[Intsik|Tsino]]. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng [[Islam]] sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng [[Kristiyanismo]], ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni [[Fernando Magallanes]] (Ferdinand Magellan) noong [[1521]], mayroon nang mga [[rajah]] hanggang sa hilaga ng [[Maynila]], na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga isla ng Pilipinas noon.
 
Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring [[Felipe II ng Espanya|Felipe II]]. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang [[Simbahang Katoliko|Katolisismo]] sa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (''Laws of the Indies'') at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Pinamahalaan mula sa [[Nueva España]] (Bagong Espanya sa ngayon ay [[MehikoMexico]]) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan sa [[Galeon ng Maynila]] sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo o dantaon.
 
Itinatag ni Gobernador [[José Basco y Vargas]] noong [[1781]] ang Sociedad Económica de los Amigos del País (''Economic Society of Friends of the Country'', "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva España.
Anonymous user