José Rizal: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Inalis ang binago ni 222.127.223.78, ibinalik sa huling bersyon ni Kabalyero
Linya 45:
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-apat na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST([[Unibersidad ng Santo Tomas]]) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.
 
== Mga Pamanang-lahi ==
hahahaha
Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng [[Pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas|kasarinlan]]. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa [[Barcelona]], Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa ''La Solidaridad''.
 
Ang kanilang mga mithiin:
# na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
# na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento);
# na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
# kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
# pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
 
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng [[La Liga Filipina]], nilitis at ipinatapon sa [[Lungsod ng Dapitan|Dapitan]], [[Zamboanga del Norte|Zamboanga]] noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
 
== Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir ==