Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pelikulang aksiyon"

walang buod ng pagbabago
Ang patuloy na popularidad ng seryeng James Bond (na sumikat noong 1960s) ay nagpakilala sa karamihan sa mga pangunahing sangkap ng modernong Aksiyon. Ang isang Bond Movie ay mailalarawan sa pamamagitan ng isang karakter na "larger-than-life", tulad ng bidang ubod ng pagiging maparaan: ang isang one-man army na kayang patayin ang mga tampalasan ulo ng mga sindikato (at ang kanilang mga henchmen) sa malikhaing paraan , ay madalas na sinusundan ng isang inihandang one-liner. Ang Bond Movie rin ay gumamit ng car chases, suntukan, iba't-ibang mga armas at mga gadget, at mas masalimuot na action sequences.
 
Noong 1970s, Nagkaroon ng kumpetisyon ang Bond movies sa mga crime dramas. Nagkaroon ng mga pelikula kung saan ang mga bida ay lagalag na pulis, tulad ng Bullitt (1968), The French Connection (1971) at Dirty Harry (1971); ang lahat ay nagtampok ng isang matinding habulan ng kotse na hinango sa mga Bond Movies. Ang Dirty Harry ay nagpatunay na glamoroso at maaksyon rin ang mga pelikulang nasa modernong panahon, at para sa aktor na si Clint Eastwood, ito ang nag-alis sa kanya mula sa typecasting bilang koboy. Ito rin ang naging una sa mga urban action film na tunay na orihinal.Nauso rin noong 1970s ang mga pelikulang asyano tulad ng pelikula ni Bruce Lee na pinamagatang "Enter the Dragon"(1973). Sumikat rin ng mga panahong iyon si Chuck Norris, na pinaghalo ang kung fu at pelikulang Pulispulis, sa "Good Guys wear black" (1977) at "A Force of One" (1979).
 
Ang 1980s ay literal na binansagan bilang "panahon ng aksiyon" na pinasikat ng mga aktor tulad ni Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, Bruce Willis at Chuck Norris. Noong 1982, ang beteranong aktor na si Nick Nolte at komedyanteng si Eddie Murphy,sa aksyon-komedyang 48 hours, ay pumatok sa takilya at nagpasikat sa mga "buddy-police" na pelikula. Ang mga pelikulang tulad ng 48 oras at lethalLethal Weapon (1987), ay nagpatunay na kahit mababa ang badyet, kung binigyan ng "Hollywood A-list" na pagtrato (mas malaking badyet, mas mahuhusay na cast , atbp) ay maaaring maging isang patok sa takilya.
 
Ang 1990s ay isang panahon ng sequels at hybrid na aksyon. Humantong sa isang pagtaas ng pagnanais sa bahagi ng maraming mga filmmakers upang lumikha ng mga bagong teknolohiya na ay magpapahintulot sa kanila na matalo ang kumpetisyon. Ginamit sa maraming pagkakataon ang CGI (Computer-Generated Imagery). Ang tagumpay ni Tim Burton sa kanyang pelikulang "Batman" (1989) na humantong sa isang serye ng mga matagumpay na sequels ay nagbigay-daan sa isa pang sub-genre ng aksyon, ang pelikulang hango sa komiks. Nagbigay-daan naman ito sa mga pelikulang action-fantasy na may malaking badyet tulad ng Lord of the Rings, "pirates of the Caribbean", at "spider-Man", na pawang lehitimong matatawag na pelikulang aksiyon.
 
 
Ang mga aktor mula sa 1950s at 1960s tulad nina John Wayne, Steve McQueen at Lee Marvin ay ipinasa ang tanglaw noong 1970s sa bagong mga aktor tulad nina Bruce Lee, Tom Laughlin, Charles Bronson, Chuck Norris, at Clint Eastwood. Noong 1980s, sina Mel Gibson at Danny Glover ay nagkaroon ng isang tanyag na serye ng mga "buddy-police" na pelikulang pinamagatang Lethal Weapon. Simula sa kalagitnaan ng 1980s, ang mga aktor tulad ng dating bodybuilder na si Arnold Schwarzenegger at Sylvester Stallone ay bumida sa mga pelikulang aksyon. Sumikat din ang martial artist na si Steven Seagal sa maraming pelikula. Si Bruce Willis ay gumanap bilang ng isang Western-inspired na bida sa popular na seryeng Die Hard. Noong 1990s at 2000s, Ang mga Asyanong aktor na sina Chow Yun-fat, Jet Li, at Jackie Chan ay lumitaw sa iba't ibang uri ng pelikulang aksyon. Ilang babaeng aktres ay nagkaroon din ng mga pangunahing papel sa mga pelikulang aksyon, tulad nina Michelle Yeoh, Lucy Liu at dating modelong si Milla Jovovich. Sina Keanu Reeves at Harrison Ford ay parehong nagkaroon ng papel sa mga pelikulang action science fiction (The Matrix at Blade Runner), ngunit si Ford ay gumanap rin sa ibang genre ng aksyon tulad ng action-adventure na pelikula.
 
Isa sa mga katangi-tanging direktor mula sa 1960s hanggang 1970s ay si Sam Peckinpah. Noong 1980s hanggang 2000s, sumikat ang mga direktor na sina James Cameron (direktor ng unang dalawang Terminator na pelikula); John Woo (Hard Boiled, Hard Target at Mission: Impossible II); John McTiernan (Die Hard, Predator); Ridley Scott (Black Hawk Down); ang Wachowski Brothers (The Matrix trilogy) at Michael Bay (Bad Boys 2,transformers).