Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pinoy pop"

walang buod ng pagbabago
== Kasaysayan ==
 
===== Unang Bahagi (1960's – 1990’s) =====
 
Ang mga awiting kabilang sa Filipino pop ay ang mga kantang nauso mula pa noong 1960’s; tulad ng balad na isa sa mga uri ng musikang tunay na bumihag sa atensyon ng mga Pilipino. Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat sa pag-awit ng balad ay sina [[Pilita Corrales]], [[Nora Aunor]], [[Basil Valdez]], [[Freddie Aguilar]], at [[Rey Valera]]. Kasabay din nilang kinilala ang husay nina [[Ryan Cayabyab]] at [[José Mari Chan]] sa pag-awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na awiting tungkol sa pag-ibig. Sa parehong dekada rin unang nabuo ang ilan sa mga sikat na grupong pop tulad ng [[APO Hiking Society]] at [[Hotdog]]. Noong 1980’s, ang <i>disco group</i> na [[VST & Co.]] at <i>pop icon</i> na si [[Gary V]] naman ang nagbigay-daan upang makilala ang <i>dance-pop</i> sa industriya.
===== “Ginintuang Panahon” ng Hip-hop (unang bahagi ng 1990s) =====
 
Sa unang bahagi ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala bilang unang bansang nagkaroon ng unang <i>hip-hop music scene</i> sa buong Asya at Pasipiko. Kasabay nito ay ang pagsikat din ng magagaling at hinahangaang mga hip-hopper at rapper tulad nina[[Francis Magalona]] at [[Andrew E.]] na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng Pinoy hip-hop sa unang bahagi ng dekada ‘90.
===== Katanyagan ng Pop-Rock (kalagitnaan ng 1990s sa kasalukuyan) =====
 
Sa pagbungad hanggang kalagitnaan ng dekada nubenta unang nasaksihan ang husay ng isa sa mga pinakakinagigiliwang grupong pop-rock, ang [[Eraserheads]]. Ang kanilang paglitaw ay pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa sektor ng OPM. Nagbigay-daan din ang kanilang pagsikat sa paglabas ng iba pang impluwensyal na banda; tulad ng [[Yano]], [[Siakol]], [[Parokya ni Edgar]], [[Rivermaya]], [[Moonstar 88]], at [[Hungry Young Poets]]. Ang istilo ng mga nabanggit ay nabuo mula sa impluwensya ng iba’t ibang mga musikang pop at rock.
 
Ang popular na mga <i>acoustic acts</i> nina [[Nina]], [[Juris]] (ng [[MYMP]]), at [[Aiza Seguerra]] ay nagpapatunay rin ng malawak na pagkakaiba ng Filipino pop. Ang mga soloyistang mang-aawit ng R&B na sina [[Kyla]] at [[Jay-R]], at ang hip-hopper na sina [[Gloc-9]] at [[Dice & K9]] ([[Mobbstarr]]), ay nananatiling matatag at kinagigiliwan sa kabila ng kakulangan ng representasyon ng kanilang sariling genre sa kasalukuyang industriya.
===== Muling paglitaw ng Urban at Dance Pop (2000’s) =====
 
Ang lokal na urban at <i>dance pop</i> ay parehong hindi gaanong napagtuunan ng atensyon ng mga tao sa industriya at manonood simula ng inilunsad noong 1980’s at 1990’s.
 
Mula sa impluwensya ng mga grupong ito at sa popularidad ng [[Pussycat Dolls]] (isang banyagang grupo ng mga mang-aawit at mananayaw na kababaihan), sunod na inilunsad ang mga grupong tulad ng [[Kitty Girls]], [[Mocha Girls]] and [[PYT]]-Pretty Young Thing. Ang mga grupong ito ay partikular na nagpapakita ng istilong tulad ng sa mga grupong banyaga.
===== Mga Grupong P-pop o Pinoy Pop (2010 hanggang sa kasalukuyan) =====
 
Mula sa impluwensya ng industriya ng musikang nag-ugat at patuloy na sumusikat sa bansang [[Korea]], na ngayon ay namamayagpag sa buong mundo, nabuo ang mga grupo ng mga mananayaw at mang-aawit na nagpapakilala ng bagong versyon ng Pinoy pop. Ang mga grupong ito ay tinatawag na [[P-Pop]]. Kabilang dito ang [[XLR8]], [[1:43]], [[Freshmyx]], [[Sakto]] at [[A-FIVE]]—pawang mga lalaki. At, ang grupong ng mga kababaihan tulad ng [[PopGirls]], [[Pointen]] at [[Eurasia]]. Mayroon ding kombinasyon ng mga lalaki at babaing astista, ang [[RPM]].<br />
Anonymous user