Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Albert Einstein"

m (r2.6.5) (robot binago: kk:Эйнштейн Альберт)
Sa tagsibol ng 1896, isang Serbian na nangngangalang Mileva Maric ay nagsimulang pumasok bilang estudyanteng medikal sa Unibersidad ng Zurich, ngunit pagkatapos ng isang termino ay lumipat sa Federal Polytechnic Institute. Siya ang natatanging babae nang taong iyon na magkakamit ng parehas na diploma na kinukuha ni Einstein. Ang relasyon ni Maric kay Einstein ay nabuo sa isang pag-iibigan sa mga sumunod na taon.
 
Noong 1900, Si Einstein ay nabigyan ng diploma sa pagtuturo ng Federal Polytechnic Institute. Nilimbag ni Einstein ang kanyang unang akda tungkol sa pwersang capillary ng panginuming straw na pinamagatang "Folgerungen aus den Capillaritätserscheinungen", na kung isasalin ay "Consequences of the observations of capillarity phenomena" (na matatagpuan sa "Annalen der Physik" volume 4, pahina 513). Dito, kanyang sinubukang pagsamahin ang lahat ng batas ng pisika, ang pagtatangkang patuloy na gagawin sa kanyang buong buhay. Sa pamamagitan ng kanyang kaibigan na si Michele Besso, isang inhinyero, si Einstein ay pinakilala sa mga akda ni Ernst Mach, at sa kalaunan ay itinuring ni Einstein si Mach na "isa sa pinakamagaling na sounding board sa Europa" para sa mga ideyang pampisikal. Nang mga panahong ito, tinalakay ni Einstein ang kanyang mga interes pang agham sa malalapit na kaibigan, kasama na sina Besso at Maric. Tinawag ng grupo ang kanilang sarili na "Olympia Academy". Si Einstein at Maric ay may isang anak na babae sa labas ng matrimonya, si Lieserl Einstein, na ipinanganak noong January 1902. Ang kanyang kapalaran ay hindi alam. Ang iba'y naniniwala na siya'y namatay noong sanggol pa lamang, samantalang ang iba nama'y naniniwala na siya'y ipinaamponay pinaampon.
 
== Mga Akda at ang kanyang doctorate ==
Hindi nakikilalang mga tagagamit