Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Antarctica"

Kinansela ang pagbabagong 877806 ni 112.198.64.93 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 877806 ni 112.198.64.93 (Usapan))
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang [[Terra Australis]] ("Kanlurang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina [[Mikhail Petrovich Lazarev|Mikhail Lazarev]] at [[Fabian Gottlieb von Bellingshausen]]. Gayon man, isang mapa ni Admiral [[Piri Reis]] noong 1513 ang naglalaman ng isang katimogang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang sa Antarctica. (Tignan din [[Kasaysayan ng Antarctica]].)
 
Sa isang [[lawak]] na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antarctica, pagkatapos ng [[Eurasya]], [[Aprika]], [[Hilagang Amerika]], at [[Timog Amerika]]. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na [[populasyon]]: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang [[altitud]], at ang pinakamababang na [[humedad]] sa kahit anong kontinente sa Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang [[temperatura]].
 
Itinakda ang '''[[.aq]]''' [[Internet]] [[ccTLD]] na code.